^

PSN Showbiz

Baguhang aktor lagare sa 'kasamaan'

- Veronica R. Samio -

Ka-liga na si Erich Gonzales ni Kim Chiu. Dapat magsaya siya dahil pareho na silang itinu­turing na drama princesses ng Kapamilya net­work.

Habang maraming artista ang nagka­kan­dakuba na pero hindi pa rin mabigyan ng kahit anong titulo, heto si Erich at kasalukuyan pang umeere ang kanyang unang major drama series, ang Ka­torse, pero binigyan kaagad siya ng titulong Drama Princess. Yun nga lang, hindi niya solo ang titulo, marami ang humahawak nito.

Bongga ang presentasyon na ginawa ng ABS-CBN para kay Erich sa press launch ng bago nilang serye.

* * *

Simula nang ma-hook sa panonood ng May Bukas Pa ang buong kabahayan ko, itinatanong na nila sa akin kung sino yung gumaganap na kon­trabidang kapatid ni Albert Martinez. Pero ang kapatid niya ang hatchet man niya rin, ang gu­magawa ng mga maruruming gawain ni Albert na role ng isang mayor ang ginagampanan. First time kasi nilang ma­pa­nood ito. Bukod sa guwapo, na­ga­galingan pa sila rito. Nanghihinayang nga sila dahil kontrabida ang role nito.

Sa press launch lamang ng Tanging Yaman ko nakilala ang bagong nagpapakitang gilas bilang kontrabida. Siya si Ron Morales na medyo naging softer ang mukha dahil wala nang bigote. Sinabi niyang sa May Bukas Pa ay tinanggal na ito.

Kontrabida pa rin ang role niya sa Tanging Yaman, bilang anak ng isang pulitiko (Leo Mar­tinez). Gusto niyang maging mas magaling pa sa ama niya.

When asked kung paano niya lalagariin ang kanyang dalawang roles sa May Bukas Pa at Tanging Yaman, at kung bakit mabilis ang pagsikat niya bilang isang kontrabida, sinabi niyang :

“Nakakulong na ang character ko sa May Bukas Pa. Mawawala muna siya sa limelight. Tung­kol naman sa pagiging kontrabida ko, okay lang, kung dito ba ako magkakatrabaho. Masaya na ako dahil tinang­gap akong kontrabida ng mga manonood, timing siguro yung pagkakapasok ko bilang kontrabida,” paliwanag ng batang aktor.

* * *

Pati mga mainstream directors ay sumasabak na rin sa paggawa ng mga independent o indie films. Dahil hindi naman kala­kihan ang kita sa mga indie films, iniisip ko na lamang na prestige lamang ang habol ng mga direktor na gumagawa ng indie movie. O kaya naman ang pag­kakataong maila­bas ang mga ideya nila na hin­ding-hindi nila maga­gawa sa mga mainstream movies.

Gaya nina Joel Lamangan at Gil Portes na napili ng Cinemalaya Foundation na pagka­loo­ban ng seed money na P.5M each at may karag­dagang P100,000 para sa post pro­duction para sa pelikula nilang Sigwa (Lamangan) at Two Funerals (Portes) na kasama sa limang pelikula sa Cine­malaya Film­fest Open Category na maga­ganap sa Hulyo 9-18.

ALBERT MARTINEZ

CINEMALAYA FOUNDATION

DRAMA PRINCESS

ERICH

ERICH GONZALES

GIL PORTES

MAY BUKAS PA

SHY

TANGING YAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with