Piolo umamin nakikipag-away sa pagbili ng beauty products

Seen : Sina Piolo Pascual at Eric Quizon sa isang corporate event sa Hong Kong noong 2009. Si Eric ang in-charge sa production at guest performer si Piolo.

Scene : Pinagsabihan na si Kris Bernal na mag­dag­dag ng timbang dahil nega ang mga write-up tungkol sa kanyang malnourished look.

Seen : Ang rebelasyon ni Piolo Pascual sa press­con ng Men’ s Health Magazine tungkol sa kan­yang simple maintenance upang mapangalagaan ang kanyang katawan at mukha ”dahil nakikipag-away na tayo sa mga babae sa pagbili ng beauty products.”

Scene : It’s final. Hindi na matutuloy ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd May­weather, Jr. sa March 10. Hindi rin interesado si Mayweather na hara­pin si Pacquiao.

Seen : Bumalik na si Krista Ranillo mula sa pag­ba­bakasyon niya sa Califonia. Dumating siya noong Martes ng umaga.

SCENE : Unflattering ang mukha ni Angel Locsin sa bagong billboard ng Folded & Hung. Nawawalan na ng ningning ang bituin ni Angel.

Show comments