Piolo umamin nakikipag-away sa pagbili ng beauty products
Seen : Sina Piolo Pascual at Eric Quizon sa isang corporate event sa Hong Kong noong 2009. Si Eric ang in-charge sa production at guest performer si Piolo.
Scene : Pinagsabihan na si Kris Bernal na magdagdag ng timbang dahil nega ang mga write-up tungkol sa kanyang malnourished look.
Seen : Ang rebelasyon ni Piolo Pascual sa presscon ng Men’ s Health Magazine tungkol sa kanyang simple maintenance upang mapangalagaan ang kanyang katawan at mukha ”dahil nakikipag-away na tayo sa mga babae sa pagbili ng beauty products.”
Scene : It’s final. Hindi na matutuloy ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa March 10. Hindi rin interesado si Mayweather na harapin si Pacquiao.
Seen : Bumalik na si Krista Ranillo mula sa pagbabakasyon niya sa Califonia. Dumating siya noong Martes ng umaga.
SCENE : Unflattering ang mukha ni Angel Locsin sa bagong billboard ng Folded & Hung. Nawawalan na ng ningning ang bituin ni Angel.
- Latest