MANILA, Philippines - Raratsada sa pagpapaseksi ang Star Magic artist na si Kristel Moreno. Sa pelikulang Pitas, walang kaarte-arte ang dalaga sa mga mapangahas na eksena sa nasabing pelikula. Bumigay na siya sa kanyang launching movie.
Aminado naman ang aktres na kinakabahan siya nang gawin ang Pitas. “Lahat po kasi nang ginawa ko sa movie, first time sa akin kaya sobrang tensyonado ako. Maganda naman po ang kinalabasan kaya no regrets na tinanggap ko ang offer na ito,” sabi pa ni Kristel.
Siguradong pag-uusapan ang daring love scene ng mestisang aktres, kasama si Sid Lucero at ang rape scene na kasama ang premyadong aktor na si Bembol Roco.
“Sobrang professional nina Sid at Tito Bembol. Inalagaan po nila ako sa mga eksena namin kaya maganda ang reviews ng movie,” dagdag pa ni Kristel.
Iikot ang istorya ng pelikulang Pitas sa isang simpleng babae na umibig sa isang snatcher at naging biktima ng karahasan.
Bukod kina Sid Lucero at Bembol Roco, kasama rin sina Francine Prieto at Rio Locsin.
Introducing sina Greggy Santos at Enrique Gil na dinirek ni Joey Romero at produced ng Negalas Entertainment. Ipapalabas sa mga sinehan sa Pebrero 17, 2010.