^

PSN Showbiz

Housemates na-shock kay Big Utol

-

MANILA, Philippines - Bilang solusyon sa pagkawala ni Big Brother, si Big Utol muna ang namamahala sa bahay at mga housemates sa Pinoy Big Brother Double Up. Matapos kasi mag-collapse at sinugod sa ospital, pinayuhang magpahinga si Kuya ng mga doktor.

Magkaibang-magkaiba ang characters nina Big Bro at Big Utol. Kung si Kuya ay kalmado at mapag-pasensya, si Big Utol naman ay mapang-asar, mapag-trip at prangka kung magsalita. Akala ng mga housemates ay makakasundo nila ang “cool at casual” character ni Big Utol, pero hindi pala sila uubra dahil sabi nga ni Big Utol, siya ang batas.

Sa kaniyang unang engkwentro sa mga house­mates, isa-isang tinawag ni Big Utol sa kaniyang sariling confession room ang mga housemates. Isa itong maliit at madilim na silid na mukhang pinag­ga­ga­napan ng interogasyon.

Dito ay gumawa siya ng ilang pranks tulad na lang ng pagpapakaba sa mga housemates sa pama­magitan ng mga kinakatakutan nilang hayop. Si Paul Jake ay nagulat sa ipis na kalakip ng lukot-lukot na task letters.

Si Cathy ay pinagbuhat ng isang sawa na nasa container, si Kath ay iniharap sa isang daga. Samantalang sina Jason ay nakadinig ng mga kalus­kos at ingay ng unggoy, samantalang si Melai naman ay nakadinig ng pagkahol at alulong ng aso.

Maliban sa mga pranks, kakaiba rin ang pagdi­disiplina ni Big Utol. Nahuli kasi niya na sumi-simple ng tulog si Cathy sa living room, kaya para magising ay inutusan niya si Sam na buhusan ito ng tubig sa mukha.

BIG

BIG BRO

BIG BROTHER

BIG UTOL

KUYA

PAUL JAKE

PINOY BIG BROTHER DOUBLE UP

SHY

UTOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with