Miko hindi pa rin limot ni Angel

Malaki ang posibilidad na muling magkabalikan sina Angel Locsin at Luis Manzano dahil pursigido umano ang panganay ni Gov. Vilma Santos na ma­num­balik ang kanilang dating relasyon. Kahit si Gov. Vi ay gustong magkabalikan ang kanyang anak at si Angel.

Ang aksidenteng pagkikita nina Angel at Luis sa ABS-CBN na humantong sa kanilang dinner date ka­sama si Kris Aquino nung nakaraang linggo ay isang magandang senyales na hindi pa rin talaga nawa­wala ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa kahit may isang Efren Peñaflorida na nakaabang.

Speaking of Efren, mukhang unti-unti na rin itong na­giging showbiz magmula nang ma-link ang kan­yang pangalan kay Angel.

Samantala, inamin ni Angel na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang namayapa niyang boyfriend na si Miko Sotto.

Last December 29 ay ginunita ni Angel ang kamatayan ni Miko.

Si Miko ay pinsang-buo ng isa pang ex-boyfriend ni Angel na si Oyo Sotto na siyang boyfriend naman ngayon ni Kristine Hermosa.

* * *

Kailangang mag-effort si Ejay Falcon na maayos ang gap nila ni Erich Gonzales para maging magaan ang kanilang working relationship sa bago nilang teleserye, ang Ang Tanging Yaman kung saan tampok din ang pinakamalapit ngayon sa puso ni Erich na si Enchong Dee. Ang tatlo ay magkakasama sa Katorse.

Nung nakaraang linggo sa ASAP ay kapansin-pansin ang pagiging cold ni Erich kay Ejay at ang kanyang pansin ay nakatutok lamang kay Enchong.

Sa presscon ng Ang Tanging Yaman nung nakaraang Lunes ng gabi sa 9501 ng ABS-CBN, ayaw nang magkomento ni Erich tungkol sa problema nila ni Ejay. Dinenay din ng teenstar na may relasyon sila ni Enchong liban sa pagiging mag-best friends.

Although magtatapos pa lamang ngayong Biyernes ang hit teleserye nilang Katorse, agad silang tatlo binigyan ng isang mas matinding proyekto, ang Ang Ta­nging Yaman na tinatampukan din ng tambalan nina Matt Evans at Melissa Ricks mula sa magkatulong na direksiyon nina Lito Ca­yetano at Manny Palo.

Speaking of Direk Lino Cayetano, kapansin-pansin ang pag-iiba nito ng hairdo ngayon. 

Kung dati-rati’y mahaba ang kanyang buhok, nga­yon naman ay super iksi. 

Pero wala raw itong kahulugan. Gusto lamang daw niya maiba ang kanyang looks ngayong bagong taon.

Samantala, balik-teleserye si Agot Isidro pagkata­pos ng kanyang kinamumuhiang character na Ingrid sa Tayong Dalawa ay mamahalin naman siya bilang mapagmahal na First Lady sa Ang Tanging Yaman kung saan si Rowell Santiago ang gaganap na presidente. Tampok din dito sina Jodi Sta. Maria, Noni Buencamino, Leo Martinez, at iba pa.

* * *

Paakyat kami ng 14th floor ng ELJ Building nang aksidente kaming magkita ng aming inaanak na si Evangeline Nora Mae Sebas­tian (Meg-Meg), ang kaisa-isang anak ng Tukso singer lady na si Eva Eugenio

Ang buong akala namin ay may pinuntahan lamang ito sa ABS-CBN o ‘di kaya kasama siya ng kanyang mommy na si Eva. Tinanong namin siya kung bakit siya naroon. “Dito po ako nagwu-work,” aniya na siyempre ikinagulat namin.

Nagwu-work bilang production assistant sa Hero network ng ABS-CBN si Meg Meg na nag-aral sa Brent International School mula elementarya hanggang high school at nagtapos naman ng college sa La Salle University. How time flies, Salve A.!

* * *

Personal:  Happy birthday sa aking dear friend, ang fashion designer na si Mama Gener Gozum ng Taytay, Rizal ngayong linggo, January 10. Ang kanyang grand party ay gaganapin sa Club Manila East sa Taytay, Rizal.

* * *

a_amoyo@pimsi.net

Show comments