Ang daming issue ngayon kay Angel Locsin. Tungkol sa panliligaw sa kanya ng CNN Hero of the Year na si Efren Peñaflorida na ibrinodcast pa ang panliligaw. Ang pakikipag-reconcile sa kanya ni Luis Manzano. Pero sana, lahat ng yun ay ma-convert sa rami rin ng trabaho niya sa lalong madaling panahon.
Maingay lang ang tungkol sa lovelife niya, pero sa career walang masyado. May gagawin silang TV show ni Vhong Navarro, pero kelan pa kaya?
Sa pelikula, mukhang tuloy na raw ang pagsasamahan nila nina John Lloyd Cruz and Bea Alonzo na ikinababahala naman ng ilang malapit sa kanya dahil baka raw magmukha lang siyang suporta sa magka-loveteam.
Sayang naman kasi si Angel kung puro lovelife lang ang pinag-uusapan.
Isa siya sa most promising actresses. Pero ano ba ang huli niyang project sa ABS-CBN? Medyo matagal-tagal na rin nang huli siyang lumabas sa Pinoy adaptation ng isang Koreanovela.
* * *
Suwerte ni Rowell Santiago. ‘Pangulo’ na agad siya ng Pilipinas. Hindi niya kailangang gumastos sa kampanya. Pero sa bagong teleserye lang ng ABS-CBN na Tanging Yaman na mag-uumpisang mapanood sa January 11.
Gaganap siyang presidente ng bansa na galing sa hirap bago nakamit ang pinakamataas na posisyon.
Pero hindi naging madali sa kanya ang lahat para gampanan ito.
Kung hindi lang niya naisip na bihira itong pagkakataon, baka tinanggihan pa niya ang role.
Hindi raw kasi niya ini-enjoy ang politics sa totoong buhay.
“As a matter of fact, napo-frustrate ako sa mga nangyayari sa bayan natin,” pag-amin ni Direk Rowell.
Kaya nga wala sa plano niyang mag-endorso ng pulitiko sa darating na election.
Wala rin sa plano niyang kumandidato as in wala siyang hangad na manungkulan at magsilbi sa bayan.
Anyway, magandang panoorin ang Tanging Yaman dahil baka mamulat ang marami nating kababayan na boboto sa darating na election sa Mayo.
* * *
Wala si Ejay Falcon sa presscon ng Tanging Yaman. Nasa taping daw. Pero kung nasa taping, ‘di sana wala rin sina Enchong Dee at Erich Gonzales na kapareho rin niyang bida sa Katorse.
Ang duda ng iba, sinadyang hindi siya papuntahin para hindi siya makasagot dahil iniyakan ni Erich ang mga sinabi niya.
Bida uli kasi ang tatlo sa Tanging Yaman though si Erich ang super bida dahil ang photo niya ang may pinakamalaki sa poster at nasa likuran lang niya sina Rowell Santiago, Agot Isidro, at Melissa Ricks.
Malayo na nga ba ang narating ng mga bida sa Katorse? Masasabing tumatak sa publiko ang nabuong love triangle nina Nene, Gabby at Jojo.
Sa pagpasok ng bagong taon, isa ring panibagong pagsubok sa kanilang buhay pag-ibig sa kanilang inaabangang serye sa telebisyon ang kakaharapin ng tatlo dahil makakasama ng hit trio sina Melissa Ricks at Matt Evans.
Parehong mula sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, hindi maitago nina Erich at Melissa ang kanilang excitement na makatrabaho ang isa’t isa dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama ang dalawa sa isang soap opera.
Samantala, isang mahigpit na paligsahan ang nabuo sa Katorse sa pagitan nina Ejay at Enchong. Magpatuloy kaya ang nasimulang kompetisyon sa Katorse sa bago nilang palabas?
Paano kaya masasabayan ni Matt ang nasimulan na ng dalawa? “Hindi naman ako kinakabahan na makipagsabayan sa kanila, nae-excite na nga ako na makatrabaho silang tatlo. Sa tingin ko, mag-eenjoy ako working with Nene and her two leading men,” salaysay ni Matt.
Ano nga ba ang basehan upang hirangin ang isang artista na ganap na primetime star? Karapat-dapat nga kaya ang mga batang aktor na ito sa nasabing titulo? Abangan natin.
* * *
Uy, limang araw pala sa Boracay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Bakasyon daw ang mag-dyowa kasama ang kani-kanilang pamilya.