MANILA, Philippines - Maraming nagulat sa naging resulta ng eviction night noong Sabado (Jan. 2) nang makakuha ng pinakamababang total votes ang housemate na si Rica Paras. Sa kaniyang paglabas, nawala ang isa sa pinakadominanteng personalidad sa Pinoy Big Brother (PBB) Double Up.
Samantala, nominado naman ngayong linggo sina Jason, Sam, at Johan. Maaalalang napansin ng mga housemates ang tila hindi na magandang pakiramdam ni Kuya noong nomination night. Dinala si Kuya sa ospital kung saan sinabing over fatigue ang dahilan ng pagbagsak ng kalusugan niya. Makakabalik ba kaagad si Kuya? Abangan iyan sa Uber kasama si Mariel Rodriguez, sa PBB Double Up sa Primetime Bida kasama si Toni Gonzaga, at sa Double Uplate kasama si Bianca Gonzalez. May live streaming din sa www.pinoybig bro ther.com at SkyCable Channel 150. Para mag-subscribe, tumawag lang sa 631-0000.