Pictorial nina Jennylyn at Valerie kulang sa init

Kanya-kanyang hula at may nagsa-suggest pa kung sino ang dapat maka-love triangle ng mga karakter nina Marian Rivera at Dingdong Dan­tes sa Endless Love 1: Autumn In My Heart. Nabasa namin ang mga pangalan nina Mark Anthony Fernandez, Paulo Avelino, Wendell Ramos at iba pang male Kapuso talents.

Pero wala sa mga sina-suggest na pangalan ng Kapuso fans ang tina-target ng GMA 7 na isama kina Marian at Dingdong sa Pinoy adap­tation ng Autumn In My Heart. Ang alam namin, taga-labas as in, hindi talent ng Channel 7 ang gusto ng management na gumanap sa role ni Andrew. Bawal pa lang banggitin ang name niya’t under negotiation pa ang lahat.

Kapag tinanggap ng actor ang offer, siguradong mix ang reaction ng fans, may magugulat, may matutuwa at may hindi magkakagusto. Hindi ang Autumn In My Heart ang first offer ng Channel 7 sa actor dahil may nauna siyang offer, pero kahit maganda ang material, kanyang tinanggihan dahil may commitment siya that time.

* * *

After Christmas and New Year, ang Valentine’s Day naman ang hinihintay at pinaghahandaan ng mga Pinoy. At matutuwa ang concertgoers sa sunud-sunod na Valentine shows na pagpipilian nilang panoorin. 

December pa lang, ipino-promote na ang concerts na nakakatuwa’t puro local artists ang performers. Unless may humabol na foreign gig.

Mauuna sa maraming concert ang Love-2Love-2Love tampok ang Side A Band, Free­style at si Nina. May special participation si Princess Velasco na-involve sa Hayden Kho, Jr. video scandal. Sa Araneta Coliseum ang venue sa February 12.

Ang Legends in Love nina Rico Puno, Rey Valera at Eva Eugenio ang susunod sa February 13. Sa Skydome ng SM North Edsa ang venue ng concert.

Sa February 14, mismo ang concert nina Pops Fernandez at Martin Nievera billed One Amor Time na gagawin sa SMX Convention Center ng SM Mall of Asia. To be directed by Rowell San­tiago. Ito na raw ang pinaka-daring at pinaka-sexy concert ng dalawa.

Makakasabay at makakatapat ng concert nina Pops at Martin ang concert ni Charice dubbed Ryan Cayabyab’s Charice in Concert. Sa PICC Plenary Hall gagawin ang concert. Special guests ni Charice sina Erik Santos, George Yang, Ryan Cayabyab Singers at Ogie Alcasid.

* * *

May billboard na sina Valerie Concepcion at Jennylyn Mercado for Belo at ang blurb ay parang “this makes mamas hot.” Kaya lang, altho’ ma­­ganda, hindi sexy ang pictorial ng dalawa’t walang hotness silang ipinakita. Mas sexy pa nga ang iba nilang pictorial.

Anyway, busy ang 2010 ni Jennylyn Mercado dahil after Ikaw Sana nila ni Mark Herras, gagawin niya ang TV remake ng Gumapang Ka Sa Lusak kasama si Dennis Trillo. Role nina Dinna Bon­nevie at Christopher de Leon ang gagam­panan respectively ng dalawa at nagpahayag na ng pres­sure si Dennis dahil magaling si Boyet sa movie at maganda ang pelikula.

Nagsimula na ring mag-shooting si Jennylyn para sa Working Girls ng Viva Films, her first movie for the said company.

* * *

Ngayong Monday sa Kaya Kong Abutin Ang Langit : nagulat si Clarissa (Iza Calzado) nang makitang buhay si Daryl (Wendell Ramos). Ibinalita niya ‘yun kay Jerome (Victor Aliwalas) at sinabing gusto niya itong kausapin sa nangyari sa kanila, pero ayaw ni Jerome dahil nagseselos.

Show comments