Bayani Agbayani ginawang malaking artista ng GMA 7

MANILA, Philippines - Agree ang lahat. Hawig nga sina Sarah Geronimo at Ms. Joy Belmonte, tumatakbong bise alkalde ng Quezon City.

As in pag nakita n’yo, puwedeng mapagkamalang magkapatid.

Bukod sa pareho sila ng hitsura, balitang bilib ang kampo ni Sarah at ii-endorse daw ito ng box-office queen at pop princess.

Kung sabagay hindi lang naman si Sarah ang bilib kay Joy.

Imagine sa kanyang murang edad, malaki na ang involvement niya sa community organizing sa lungsod ng Quezon City sa pamamagitan ng Quezon City Ladies Foundation kung saan siya ang chairwoman. Supposedly ay asawa ng city mayor ang tatayong chairwoman ng nasabing foundation, pero kuwento ni Joy, since widower ang kanyang amang si Quezon City Mayor Feliciano Belmonte at nag-iisa siyang babae sa mga anak ni Mayor SB, siya na ang kumuha sa nasabing role bilang chairwoman simula 2001.

Anyway, isang archeologist si Ms. Joy. Ang kanyang specialization ay colonial period archeology. Nagturo din siya sa UP Diliman pansamantala.

Nagamit na niya ang kanyang propesyon sa ilang lugar – sa Intramuros, Cebu, Batanes at Cavite.

Childhood dream ni Joy ang maging archeologist. “I love learning about different cultures because I love to have a deeper understanding of humanity,” sabi niya sa interview sa Philippine Star.

At ito ang bongga. Mahilig siyang mag-travel na hindi kailangang magdala ng maraming datung.

“I like visiting Third World countries,” sabi ni Ms. Joy sa isang previous interview. Kasama sa mga binisita niyang lugar ang Cambodia, Vietnam, Ecuador na may nakalaan lang budget.

 “I have no problems taking buses and trains and staying in hostels when I travel,” dagdag ni Ms. Joy.

At least kahit anong yaman ni Joy, hindi siya nagpapa-sosyal.

Kung tutuusin, kaya niyang gumastos ng malaki pero natuto siyang mag-travel na may nakalaan lang na budget.

Graduate siya ng Social Science sa Ateneo de Manila University.

Nag-join siya pagkatapos ng pag-aaral sa Jesuit Volunteers Philippines. Nagpunta siya ng Bukidnon para magturo ng History, Values Education, P.E. and Music. Namalagi siya doon ng isang taon. Pero never siyang nagreklamo kahit walang tubig at kuryente sa nasabing lugar. “I will always value that experience,” sabi ni Joy sa isang previous interview.

At nang matapos ang kanyang misyon sa Bukidnon, nag-Master’s siya ng Museum Studies sa Leicester University (sa England) at ipinagpatuloy niya yun – Master’s in Archeology sa University London.

Wow, grabe. Siguradong matalinong-matalino si Ms. Joy.

Bibihira sa mga baguhang pulitiko na tulad niya ang may ganito kabigat na edukasyon.

By the way, si Herbert Bautista nga pala ang kandidatong mayor ni Ms. Joy.

* * *

Mukhang kinalimutan na ng ABS-CBN si Claudine Barretto. Sa kanilang celebration ng 60th anniversary ng Pinoy Soap Opera, nang ipakita ang Mula Sa Puso na siya ang bida noon, hindi na ipinakita ang picture ni Claudine. Dedma na sila. Samantalang lahat ng mga kasaling soap opera, ipinakita naman. Nabubukod-tanging wala siya.

Kung sabagay, kasama naman siya sa mga nagpa-plug ng mga bagong programa ng GMA 7.

* * *

Kung bongga ang presentation ng ASAP para sa celebration ng kanilang matatagumpay na soap opera, marami naman nagulat na si Bayani Agbayani ang bida sa SOP. Parang ang laki-laking artista raw ni Bayani sa noontime show ng GMA 7 na celebration naman ng 60th anniversary ng Kapuso Network. 

* * *

True ang tsismis, wala pa ngang napa-pirate na pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival. Ni isa raw sa pitong kasali sa festival, hindi pa napipirata. Naglibot sa Quiapo kahapon ang isa kong friend, si R para maghanap sana ng kopya, pero sagot daw ng mga nagbebenta, hindi pa raw puwede. Baka next week pa raw.

Actually, marami na raw naghahanap ng kopya pero wala silang makuha. Nagkakasya na lang daw ang mga mamimili sa Quiapo area sa mga kopya ng mga pelikulang classic ni Lino Brocka na nagkalat ngayon sa nasabing lugar. Like Tinimbang Ka Ngunit Kulang, Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak at marami pang iba. Ultimo raw ang karumal-dumal na Maguindanao massacre ay may kopya sa bentahan ng mga pirata.

Marami rin daw kopya ang mga news and current affairs shows ng ABS-CBN and GMA 7 like I Survived, I Witness at marami pa.

Ito’y isang himala.

Sino kayang nakiusap sa mga namimirata para mapigilan ito?

O baka naman sadyang nagbago na sila. Parang may misteryo...(SVA)

Show comments