Panday 'di pa napa-pirate

Sinubukan naming mag-ikut-ikot sa ilang DVD stall sa bangketa ng Pasay City, and true to the re­ports that have reached Senator Bong Revilla ay wala pang napipiratang kopya ng kanyang Ang Panday.

Dahil nga rito kung kaya’t all-praises ang sena­tor-actor sa performance ng kanyang not-so-im­mediate successor sa Optical Media Board (OMB) na si Chair Ronnie Ric­ketts.

Katuwiran ni Bong, and this goes for all pro­­ducers, isipin sana ng mga film pirates na ito ang malaking pinaghirapan nilang mga lehitimong prodyuser na gumagastos nang malaki, only to see their products replicated and sold for fast bucks nang walang puhunan?

Oo nga naman.

* * *

Para sa mga taong nagmamahal kay Dolphy, idinaan man niya sa komedya ang kanyang ac­ceptance speech nang gawaran siya ng Lifetime Achievement Award nu’ng nakaraang MMFF awards night ay tiyak nag-knock on wood sila.

Ani Tito Dolphy, baka ‘yun na raw ang huling pa­rangal na mata­tanggap niya at huling pag­kakataong makaakyat ng entablado. Sina­hugan ng pagpapatawa, pero marami, myself included, ang na­na­nalanging bumilang pa sana ng maraming taon ang nag-iisang Comedy King.

* * *

Kung Star of Bethlehem ang naging gabay ng Tatlong Haring sina Melchor, Gaspar, at Bal­tazar patungo sa kinaroroonan ni baby Jesus, ang uma­alingawngaw namang boses ni Lolit Solis ang nagsilbing compass ng TAPE, Inc. exe­cutive na si Malou Choa-Fagar para matun­ton ang pinagdarausan ng post-Christmas treat ni Senator Jinggoy Estrada nitong Miyer­kules.

Itsura ng tambuli ang malakas-pa-sa-paputok na tili ni ‘Nay Lolit para makibahagi si Tita Malou, kasama si Julia Cla­rete, in probably the biggest (and most rewarding) Yuletide party ever given to the press.

Huwag na ang mga freebies na “pakana” ng kaibigang Joe Barrameda, the mere fact na nasa okasyong ‘yon si dating Pangulong Erap Estrada was an evening like no other. As usual, inawit ni Erap ang kanyang signature song that sounded like ni-lip synch lang niya.

Pero all ears ang lahat when the president-wannabe-again delivered his impromptu speech. Thrice binanggit ng ama ni Jinggoy ang kanyang pagkakakulong on charges he was not guilty of. Mahaba man ang kanyang talumpati, welcome news para sa entertainment media ang nanana­tiling suporta pa rin ni Erap para sa industriya.

Ang kagandahan sa okasyong ‘yon, neither the father nor the son outright told the press na iboto sila sa kani-kanilang puwestong tinatak­buhan.

After all, it was a party. Hindi ‘yon isang panga­ngampanya in its truest sense.

Show comments