^

PSN Showbiz

New Year's wishes para sa mga artista

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Sa paglipas ng taong 2009 at pagsalubong sa 2010 ay gusto naming magbigay ng aming wishes sa mga artista at ibang celebrities.

Dolphy – Karapat-dapat lang na bigyan siya ng malaking pagpapahalaga ng Metro Manila Film Fes­tival dahil sa Lifetime Achievement Award. Sana maibi­gay din sa kanya ang kara­ngalan bilang National Artist ng bansa.

Sharon Cuneta – Magbawas sana siya ng tim­bang para mabigyan pa ng maraming proyekto.

Mother Lily Monteverde – Tuloy pa rin ang pag­poprodyus ng pelikula dahil siya ang nagbibigay sigla sa nana­namlay na movie industry.

Angel Locsin-Luis Manzano – Magkabalikan sila dahil bagay na bagay sila at boto ang kani-kanilang pamilya sa kanilang relasyon.

Marian Rivera-Dingdong Dantes – Mapa­natili ang kanilang pagmamahalan at mag-rate uli ang susunod nilang teleserye gaya ng Marimar.

Manny-Jinkee Pacquiao – Maiwasan na ang intriga na siyang sumisira sa relasyon bilang mag-asawa dahil may mga anak sila na nagpa­pa­tibay sa kanilang pagsasama.

Ogie Alcasid-Regine Velasquez – Wedding bells na para maging legal ang pagsasama.

Kris Aquino – Quality time para sa pamilya.

Vic Sotto-Pia Guanio – Magpakasal na.

Richard Gutierrez – Patuloy na maging hit ang mga proyektong gi­na­gawa.

Amalia Fuentes – Magkaroon ng malaking puso na magpa­patawad sa kanyang anak na si Liezl dahil walang magulang na ma­kakatiis sa anak.

Sa mga regular na mambabasa sa Pi­­li­pino Star Ngayon, isang Masa­ganang Bagong Taon!

* * *

Natutuwa kami sa aming anak-anakan na si Glaiza de Castro dahil nata­tamasa na niya ang malaking ta­gum­pay bilang artista. Pagkatapos ng Stairway to Heaven ay makaka­sama naman niya si Regine Velas­quez sa Diva ng GMA 7 at Mark Anthony Fernandez. Nagbunga rin ang kanyang tiyaga at propesyonalismo dahil makakasama na niya ang idolong si Regine.

* * *

Naging malaking tagumpay ang pagdaraos ng Metro Manila Film Festival. Ayon sa executive director na si Rollie Josef, maaabot nila ang target ng P500 million na kikitain sa festival.

Ang kinitang pera ay mapupunta sa Metro Manila Film Festival beneficiaries gaya ng MOWELFUND, Film Academy of The Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Film Development Council, Optical Media Board, at ang Office of the Presidential Social Fund.

AMALIA FUENTES

ANGEL LOCSIN-LUIS MANZANO

BAGONG TAON

DAHIL

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES

FILM DEVELOPMENT COUNCIL

KRIS AQUINO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with