Isa sa pagkakaabalahan ng husto ni Vic Sotto matapos ang showing ng Ang Darling Kong Aswang ay ang paggawa ng sequel nito na ipinasya niyang gawing serye sa TV. Pero hindi niya ito ipapapanood sa GMA 7 na kung saan napapanood ang Eat Bulaga kundi sa TV5 na kung saan mayroon din siyang isang regular show na tumatakbo, ang So You Want To Be A Millionaire?
Hindi rin ang box-office director na si Tony Reyes ang magdi-direct ng TV series dahil katwiran ni Vic ay pampelikula lang si Tony na nung 90’s pa niya katrabaho. Sa kasalukuyan ay nasa drawing board na ang Ang Darling Kong Aswang (TV series).
Pinaka-huling seryeng ginawa ni Vic ay ang Ful Haus na napanood sa Kapuso Network. Medyo matagal na rin itong nagtapos sa ere pero hanggang ngayon ay pinasusweldo pa rin ni Vic ang staff nito at nakatanggap pa ng 13th month pay.
* * *
Pinakamasayang Christmas party siguro na dinaluhan ng entertainment press ay yung ibinigay ni Sen. Jinggoy Estrada noong Disyembre 30. Hindi lamang dahil dinaluhan din ito ng ilang kaibigan ng press sa industriya tulad nina Malou Choa Fagar at Julia Clarete ng Eat Bulaga, Ricky Davao at ni Presidente Erap Estrada at Sen. Ernesto Maceda.
Nagkaroon din ng maikling musical program na kung saan nagpakita ng kanilang talento sa pagkanta ang ilang movie writers at maging sina Julia, Ricky, Sen. Jinggoy, at Presidente Erap. Lahat ng kumantang press were given each an electric fan for their effort. Walang minus ones may isang pianist whom accompanied everybody sa kanilang pagkanta.
Masaya ang naging party dahil ang nag-host ng party ay mga movie writers din, sina Jun Nardo at Dondon Sermino na may talent din sa paghu-host. Dahil magkakakilala ang lahat kung kaya naging free flowing ang kasayahan, walang nagkahiyaan at walang nag-inarte.
* * *
Sina Shaina Magdayao at Jason Abalos ang tampok sa kauna-unahang episode ng Maalaala Mo Kaya sa taong ito. Napanood ang dalawa sa isang napakagandang kuwento ng buhay na kung saan ipinamalas nila ang kanilang husay sa pag-arte sa mahusay na pagsuporta nina Niña Jose, Alysson Lualhati, Girlie Alcantara, Melissa Mendez, at Ellaine Quemel sa direksiyon ni Veronica Velasco.
Bago ang director na nagpakitang gilas din sa mga manonood ng kanyang galing sa pagkukuwento.