Scene : Ayaw ng fans ni Sharon Cuneta ang isyu nang nawawalang pamana ng kanyang yumaong ama. Hindi na dapat isapubliko ang ganitong uri ng personal na problema.
Seen : Hindi kagandahan ang ugali ng ilang artista ng GMA 7. Hindi sila marunong magpasalamat sa good write-ups ngunit natataranta sa mga negatibong balita na kagagawan din nila.
Scene : Nadaraya ang viewers ng ABS-CBN at GMA 7 dahil sa rami ng mga flashback scene ng kanilang mga drama at fantaserye show.
Seen : Ang Gutierrez family sa Boracay, ang current favorite vacation place ni Ruffa.
Scene : Hindi maayos ang programming ng Cinema One. Hindi nasusunod ang schedule ng mga pelikula na kanilang ipinalalabas.
Seen : Ang 4-day gross (December 25, 26, 27 at 28) ng MMFF :
1. Ang Darling Kong Aswang - P44,625M
2. Ang Panday - P43,317.M.
3. Shake,Rattle & Roll XI - P42,211M
4.I Love You Goodbye P38,440M
5. Nobody Nobody... But Juan P19,282M
6. Mano Po 6 -P 19,142M.
7. Wapakman - P1.911M.
Seen : “Let the records speak for itself” ang pahayag ni Vic Sotto sa victory party kahapon ng Ang Darling Kong Aswang. “Top-grosser kami” ang pagmamalaki ni Vic.
Scene : Tuloy ang suweldo ng staff ng Ful Haus kahit wala na ang sitcom ni Vic Sotto sa GMA 7.