Kris excited na sa pag-arte ni Baby James

Granted na rin ang wish ni Kris Aquino na makita ang kanyang anak na si Baby James na umaarte sa harap ng kamera. Kasama ito sa bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Kung Tayo’y Magkakalayo na kung saan pangunahing bituin din si Kris, together with Gabby Con­cep­cion, Kim Chiu, Gerald Anderson, Coco Martin, and many more.

I’m sure excited si Kris na hindi itinatago ang pa­gi­ging stage mom niya at matagal nang naihanda ang kanyang anak sa pagsabak nito sa pag-aartista.

Maka-concentrate naman kaya siya kapag sabay na silang umaarte ng kanyang anak?

***

Sa kabila ng hindi magandang showing sa box-office ng kanyang Nobody, Nobody… But Juan, Dolphy is still celebrating the holidays with a grateful heart.

 “Iba talaga ang pakiramdam ng may napapasaya kang tao, lalo na pag Christmas. Ito naman talaga ang dahilan kung bakit ginawa ko ang pelikula. Para maging masaya ang Pasko ng mga tao na makakapanood nito,” sabi ng hari ng komedi.

***

Kailan kaya matatapos ang bangayan ng mag-inang Amalia Fuentes at Liezl Martinez?

Muli, nagbuga ng nag-aapoy na salita ang dating reyna ng pelikula na si Amalia Fuentes patungkol sa kanyang anak dahil nakuha nitong pasalamatan ang napakaraming tao dahil sa paggaling ng kanyang sakit na cancer pero, nakalimutan ang kanyang ina.

Bakit nga kaya nakalimutan ng anak ang kanyang ina? Gayong sigurado ako na hindi man nito sabihin ay alam kong ipinagdasal ni Amalia si Liezl. Wala namang magulang na hindi magdarasal kapag nalalagay sa panganib ang kanyang anak.

Tumulong man ito o hindi ng pinansyal sa anak, hindi na ito ang mahalaga.

Liezl should have been grateful to her. Yun lang! 

Show comments