Year-end report ng ABS-CBN may maling video?!

SEEN :  Ang Shoutout ’09 Sawi o Wagi, ang year-end report ng ABS-CBN na ipinalabas noong Linggo ng gabi.

“Sawi” ang staff ng show nina Karen Davila at Henry Omaga-Diaz dahil ang video footage ng producer na si Ferdinand Lapuz ang kanilang ginamit sa report tungkol sa tagumpay ni Brillante Mendoza sa Cannes Film Festival.

Ang Hollywood director na si Ang Lee ang topic ng report ngunit ang mukha ni Ferdinand ang ipinakita ng staff.

SCENE : Ang mga panunumbat ni Amalia Fuentes sa kanyang anak na si Liezl Sumilang sa Showbiz Central.

Nagalit si Amalia sa kanyang unica hija dahil hindi siya kasali sa mga pinasalamatan ni Liezl sa interbyu nito na ipinalabas sa SNN.

SEEN : Si Sef Cadayona ang nagpaalam sa StarStruck V noong Linggo. Familiar face si Sef dahil nakagawa na siya ng mga TV commercials.

SCENE :  Happy si Bianca King dahil hindi na­ba­banggit ang kanyang pangalan sa mga negative news items tungkol sa Wapakman.

SEEN : Naputulan ng kuryente si Anton Ber­nardo dahil hindi siya nakakabayad ng electric bill.

SCENE : Si Roderick Paulate ang male counterpart ni Nadia Montenegro bilang Best friend ng Bayan.

Paramihan sila ng mga kaibigan.

SEEN : Absent si Pia Guanio sa Showbiz Cen­tral noong Linggo dahil nagbakasyon sila ni Vic Sotto sa Singapore.

Favorite country ni Vic ang Singapore.

SCENE : Mana si Manny Pacquiao sa kan­yang ina. Pareho silang hindi marunong umarte.

Dapat na nilang ma-realize na hindi sila pang-showbiz.

Show comments