Aswang 'naghahabol sa Panday

Nagdiriwang ngayon ang Regal Films. Naka-jackpot sila sa Shake, Rattle & Roll XI. Malakas pa rin talaga ang dating sa mga manonood ang horror franchise.

Tama ang desisyon ni Mother Lily Monte­verde na ipagkatiwala sa tatlong bagong direktor, Jessel Monteverde, Don Michael Perez, at Rico Gu­tierrez, ang pelikula dahil tumabo ito ng P16.5 mil­lion sa opening day. Ito na raw ang pinaka­ma­lakas na opening ng SRR movie in history.

Binigyan din ng MTRCB ng GP rating ang pelikula at pinuri ang special effects.

“Sobrang nakakatakot at nakakagulat,” sabi ng isang nakapanood.

“It’s the best SRR movie in recent history,” dagdag ng isa pa na super loyal sa SRR pag­dating ng Pasko.

Bida sa Lamang Lupa ang Kapamilya at Ka­puso stars: Jennica Garcia, Rayver Cruz, Iya Vil­lania, Mart Escudero, Bangs Garcia, at ang kambal na sina Dominic and Felix Roco. Umiikot ang istorya nito sa isang barkada na nag-camping hanggang habulin sila ng mga lamang-lupa.

Sa Diablo naman nagsama sina Maja Sal­va­dor at Mark Anthony Fernandez sa unang pag­kakataon. Kasama si Rico Gutierrez. Mala-Exor­cist ang kuwento ng Diablo episode.

Samantala, marami pa ring kinilig sa balik-tambalan nina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi sa Ukay-Ukay episode. Ginampanan nila ang papel ng mag-asawa na gagambalain ng isang “possessed” na wedding gown na nakuha sa ukay-ukay.

Inaasahang madadagdagan pa ang kita ng SRR. Nakakailang araw pa lang ang festival at tiyak na marami pang gustong manood.

* * *

Masayang-masaya rin si Tito Dolphy sa kinalabasan ng pelikula niyang Nobody, Nobody But Juan na kasali rin sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Mainit na pagtangkilik ang nasabing pelikula na dinirek ni Eric Quizon.

“Iba pa rin talaga ang pakiramdam nang makapagpasaya ka, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan,” say ni Tito Dolphy na suki na sa MMFF.

“Nagpapasalamat ako na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagsuporta sa akin ng ating mga kababayang mahilig sa komedya.”

Maraming naaliw sa hari ng komedya sa nasabing pelikula na istorya ng isang matandang lalaki sa isang caregiving home sa Amerika, na ang tanging koneksiyon na lamang sa kanyang bayan ay ang panonood ng isang noontime show.

Si Direk Eric (Quizon) ang nag-concep­tualize, nag-direct, at kasama sa produ ang kan­yang Kaizz Ven­tures, katuwang ang RVQ Productions at Joe Al­deguer Productions.

Bukod kay Tito Dolphy, pinuri rin sa pelikula sina Eddie Garcia and Gloria Romero, maging sina Eu­gene Domingo at Pokwang, kasama sina G Toengi at Heart Evangelista.

Magkaiba ang genre ng SRR at Nobody… kaya inaasahang pareho pang madadagdagan ang kita ng dalawang pelikula.

Nasa No.3 position ang SRR at nasa No. 5 ang Nobody…

* * *

Nagpapatawag na ng victory party si Sen. Bong Revilla, Jr. para sa Ang Panday na nanguna sa takilya. Pero may pahabol ang kampo ng pelikula ni Vic Sotto ng Ang Darling Kong Aswang.

Mas kumita raw ang Aswang…

Pero base sa unofficial result at sa pagtatanung-tanong, nasa No. 1 ang Ang Panday.

Hindi usually naglalabas ng official result ang MMFF kaya walang puwedeng mag-confirm kung natalo nga ang Panday ng Aswang.

As of yesterday afternoon, No. 1 Ang Pan­day; No. 2, Aswang; No. 3, SRR; No. 4, I Love You… Good­bye; No. 5, Nobody; No. 6, Mano Po 6, and No. 7, ang Wapak­man.

* * *

Nakakaawa na­man si Liezl Mar­tinez. Ang sana ay dinaan na lang sa dasal ng kanyang ina na si Amalia Fuentes ay nagpa-interview pa sa TV last Sunday, sa Showbiz Central, para ikuwento na kesyo nagpa-silicon kasi ang anak niya na malamang ay naging rason kaya ito nagka-cancer na ngayon ay nasa early stage 4 na.

Show comments