Suzette Ranillo nambastos ng beterenang reporter

Wheelchair-bound ay nakangiti pang sinagot ni Gloria Sevilla ang tanong ng Startalk (before her family boarded the Los Angeles-bound plane last Christmas’ Eve) kung naaapektuhan ba siya sa tsismis na nag-ugnay sa kanyang apo na si Krista Ranillo kay Manny Pacquiao.

‘‘A little, a little,’’ tugon ni Tita Glo sa reporter na si Jopay Mañago. Dahil naispatan din ni Ma­nay Jopay ang anak nitong si Suzette, tiyahin ni Kris­ta, the same question was asked. Buwelta ni Suzette (yes, si Suzette who had ordered Bian­ca King’s stuff taken out of the dressing room/tent which she shared with Krista): ‘‘Bakit kayo, naaapektuhan din ba kayo?’’

Agad kong tinanong si Manay Jopay if she felt slighted sa tinurang ’yon ni Suzette. Ang ayus-ayos naman kasi ng kanyang tanong para bira­han ng pabalang na sagot ni Suzette, patunay na kawalan ng respeto sa isang beteranong reporter. Pero ipinagkibit-balikat lang ’yon ni Manay Jopay.

Nakaantabay kasi ang Startalk nung mga sandaling papasakay na ang pamilya ni Krista ng eropla­no patungong LA. Kuntodo-iwas ang starlet sa nakapalibot na media, only to step back para sandaling magpaalam kay Manay Jopay.

Dahil sa di pagpapaunlak ng interbyu ni Krista sa Startalk, narito ang kanyang ipina-forward na text message kay Manny Jopay : ‘‘Hi, tita, so sorry I couldn’t grant your interview earlier. I was running late na and I had to check in pa.”

For her part, hindi humingi si Suzette ng dispensa sa may-edad nang reporter for her misdemeanor. Nakaka-strike 2 na ang has been actress na ito, ha? First with Bianca sa pagpa­patapon nito ng mga gamit ng huli sa tent, second with her utter disrespect for an elderly reporter despite the latter’s well-intentioned question.

Meanwhile, dalawang emisaryo ni Krista ang nagsadya sa Startalk nitong Sabado upang ipa­mudmod ang kanyang Christmas presents sa ilang kaibigan from GMA. Mula sa Marks & Spencer bag ang mga ’yon, that turned out to be bathroom scents.

* * *

Eksena ito sa Cool Center two Saturdays ago. Kapansin-pansin ang kakatwang lungkot sa staff, dahilan para magdayalog ang direktor nitong si Dominic Zapata ng: ‘‘Uy, bakit ang lungkut-lungkot n’yo? Ako nga itong dapat malungkot dahil September pa nu’ng mawalan ako ng lovelife.’’

Of course, direk Dominic said it in jest, paraan lang niya ’yon to keep everybody up on their toes. After all, Pasko ’yon at may dahilan para mag­diwang ang lahat.

Du’n na lang nagsitawanan ang lahat. Oo nga naman, if there was one person who should feel down and out, ’yun ay si direk Dominic, Krista Ranillo’s ex-boyfriend.

Pero bakit tukoy na tukoy ni Dominic ang bu­wan ng Setyembre being the onset of his loneliness? If he knew too much, ito ba ang buwan kung kelan sila naghiwalay ni Krista who junked him for another man?

Ngayon mo sagutin, Suzette, kung apektado ang pamilya n’yo!

Show comments