Krista pinarusahan tinanggal ang litrato at pangalan sa poster ng pelikula

Marami ang nanood ng Wapakman para lamang makita kung ano ang role ni Krista Ranillo na naging dahilan para siya mapag-usapan at i-link kay Manny Pacquiao, maging isang malaking kontrobersiya, maging instant star at mapag­selosan at makagalitan ng marami.

Marami ang nagtaka kung totoong kasama siya sa pelikula, wala kasi ang pangalan niya’t larawan sa mga poster pero andun siya sa movie, kontra­bida. Yun nga lang, mas malaki ang role sa kanya ng kontrabida ring si Bianca King.

Parusa ba ito sa kanya dahil sa diumano’y gina­wa niyang pagpatol sa Pambansang Kamao? Sayang, da­hil kung ginamit lamang ng Solar Films ang kasalukuyang isyu sa kanila ni Manny, baka naka­tulong pa ito ng malaki sa pelikula.

As it is, kulelat ang Wapakman sa opening day sa mga sinehan ng pitong pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Marami ring fans ni Manny ang nagtampo lalo na yung mga nasa dulo na ng rota ng MMFF parade dahil hin­di niya ito tinapos. Agad siyang umalis dahil hahabol pa raw ng biyahe papuntang General Santos City. Eh wala rin si Krista Ranillo sa parade kaya walang nakitang malaking artista sa karosa ng Solar Films.

As expected, nanguna sa takilya nung Pasko ang Ang Panday ni Bong Revilla na ginawang magka­sama ng Imus Productions at GMA Films. Sumunod ang Ang Darling Kong Aswang nina Vic Sotto at Cristine Reyes. Third naman ang Shake Rattle & Roll, 4th ang Mano Po 6, 5th ang I Love You Goodbye at 6th ang Nobody Nobo­dy But Juan at 7th ang Wapakman.

Going back to Krista, nakabalik na ito sa normal na takbo ng kanyang buhay at career. Yun nga lang, patuloy ang pag-iwas niyang magpa-interview sa press.

Nakapag-taping na siya ng May Bukas Pa para sa ABS-CBN at sa kasalukuyan ay namimili siya ng gagawin sa maraming offers na duma­rating sa kanya.

* * *

Mapapanood ng buo ang PMPC Star Awards for TV sa Disyembre 30, Miyerkules, 10:00 ng gabi hanggang 1:00 ng umaga sa NET 25. Kum­pleto ito at mas mahaba sa ipinalabas na edited version ng ABS-CBN.

* * *

Talaga raw nagalit si Claudine Barretto nang makailang beses na hindi sinipot ni Mark Anthony Fernandez ang meeting na si Mark mismo ang humi­ling sa mga produ ng movie na pagsa­samahan nilang dalawa, ang Viva Films at Unitel Films, kasama ang buong production team.

Ano nga kaya ang problema ng actor na hindi naman kinakitaan ng ganitong unprofessionalism habang nagtatrabaho sa GMA 7?

Show comments