Lalabas pala sa May Bukas Pa si Judy Ann Santos. Marami nang nakaka-miss kay Judy Ann kaya tuwang-tuwa ang fans ng actress nang mapanood nila ang teaser ng nasabing programa ni Santino na naging bida sa Pasko ng ABS-CBN.
Balik-primetime si Judy Ann next year dahil finally ay ipalalabas na ang nurserye niya na mahigit limang beses yatang nagpalit ng director at ilang beses ni-reshoot.
* * *
Speaking of May Bukas Pa. Ang nasabing programa ang particular na si Santino ang naging bida sa kakatapos na Pasko. Kahit sa mga sermon ng pari sa ibang mga simbahan noong Simbang Gabi, madalas mabanggit si Bro at si Santino.
Malakas ang naging partisipasyon ng nasabing programa sa pagbibigay ng mga halimbawa sa mga Homily.
* * *
Hataw din sa takilya ang Shake Rattle and Roll.
Got a text message :
Sa first day, first screening sa Mall of Asia Cinemas – Shake P784,355.20
Panday - P472.725, I Love You Goodbye - P445.427 and Wapakman P59,384.00
At sa first day closing gross ng Shake Rattle and Roll, P11,923,874.45 and P4,102,887.20 ang provincial gross kumpara noong isang taon na ang total gross ng Shake Rattle and Roll 10 ay P13,722,458.15.
Samantala, hindi natinag sa no. 1 slot ang Ang Panday ni Sen. Bong Revilla : “Panday is No. 1. Breaking all records in MMFF history opening day.”
Iba-iba ang resulta pagdating sa no. 4 pababa. Narito ang first day official results of Manila Film Festival :
1. Ang Panday - P16.9 M
2. Ang Darling Kong Aswang - P16.8 M
3. ShakeRattle and Roll - P16.2M
4. I Love You Goodbye - P11.7 M
5. Nobody Nobody But Juan - P8.0
6. Mano Po 6 - P6.9 million
7. Wapakman - P750,000
* * *
Sa pagpasok ng Bagong Taon, magpaparamdam na rin ang bagong management ng TV5 sa pangunguna ni Mr. Manny Pangilinan.
Marami na raw kinausap ang no. 3 network at kasama na rito ang isang dating executive ng isang network. Pero ayon sa source, hindi raw yun si Ms. Wilma Galvante contrary sa mga naglalabasang kuwento.
Wala raw planong iwan ni Ms. Galvante ang kanyang posisyon sa GMA Network. Sa nasabing network na raw ito magri-retire.
* * *
Teka ano bang nangyari sa bantang demanda ng kampo ni Krista Ranillo?
Parang wala naman. Kasalukuyang nasa Amerika si Krista para umano’y ayusin ang itinayo nitong negosyo kasabay ng pagpa-Pasko niya roon.
* * *
Bakit kaya hindi na lang mag-request ng ibang partner si Claudine Barretto sa gagawin niyang pelikula na supposedly ay with Mark Anthony Fernandez. Tutal naman, apat na beses na palang hindi sinipot ng aktor ang dapat sanay production meeting nila. Maraming walang trabahong aktor sa kasalukuyan at walang masama kung kukuha sila ng iba.