Pokwang inggit kay Melay!

Akala ng marami na totoo ang tsismis na hindi aabot ang Wapakman ni Manny Pacquiao sa playdate nito ngayong Pasko. Nabalita kasing hindi ito aabot sa Christmas release at sa Dec. 27 na maipapalabas.

Lubha kasing nabalam ang produksiyon ng pelikula, una dahil sa naging laban ni Manny kay Miguel Cotto at, ikalawa, nang matapos naman ito at umuwi siya ay katakut-takot naman na intriga ang sumalubong sa kanya kung kaya hindi agad nakauwi ang isang lady cast member ng movie na nakasama niya sa kontrobersiya.

Pero, all’s well that ends well. Handa na ang Wapakman para makipagbakbakan sa anim pang magagandang entry sa 2009 Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) ngayong araw na ito.

Ang Wapakman ay istorya ni Magno, isang karaniwang ama ng tahanan na ang mundo ay umiinog lamang sa kanyang limang anak, samantalang isang OFW sa Italy ang kanyang maybahay na nurse na si Magda (Rufa Mae Quinto).

Isang gabi ay naaksidente si Magno habang nagmamaneho ng kanyang trak. Binangga siya ng isang kotse at nagkaroon ng napakalakas na pagsabog. Pinalad namang makaligtas si Magno, pero unti-unti ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kanya. Naging malakas siya, tumalino, at naging super bilis kumilos. Naging isang super dad siya sa kanyang mga anak. Nang malaunan ay naisip niyang gamitin ang bagong kapangyarihan hindi para sa sarili lamang kung hindi para sa kabutihan ng mundo, kaya naging si Wapakman siya – ang pinakabagong superhero ng daigdig.

Prodyus ito ng Solar Entertainment at dinirek ni Topel Lee.

* * *

Bukod sa Wapakman, ang anim pang official entries para sa ’09 MMFFP ay ang Ang Darling Kong Aswang (OctoArts); I Love You… Goodbye (Star Cinema); Nobody, Nobody… But Juan (RVQ Productions); Mano Po 6 (Regal Entertainment); Ang Panday (GMA Films/Imus Productions); Shake, Rattle & Roll XI (Regal Entertainment).

The much-awaited awards night will be held on Dec. 28 at SMX Convention Center, Mall of Asia 7 PM.

The 2009 MMFFP executive committee is composed of Judge Oscar Inocentes (overall chairman), Ms. Maricor Imperial (executive chairman), Rolando Josef (executive director), AGM Edenison Fainsan (chairman, finance), Angelito Vergel de Dios (executive director, TOC), Robert Nacenciano (member), Ric Camaligan (SM Cinemas), Manuel Nuqui (PMPPA), Wilson Tieng (MPDAP), Dominic Du (GMTA), Marcus Ng (MMTA), Boots Anson-Roa (MOWELFUND), at Leo Martinez (FAP).

Showing of the official entries to the MMFFP will be from today, Christmas Day, until January 7, 2010.

* * *

Sa halip na ma-insecure sa mabilis na sumisikat na Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Melissa Cantiveros o Melay, mas natutuwa pa nga si Pokwang na merong bagong sumisikat na ang forte ay katulad ng forte nila ni AiAi delas Alas, ang magpatawa ng mga manonood.

“Mas lamang naman ako sa kanya ng isang paligo, mas maganda naman ako sa kanya. Ang nag-iisang lamang niya sa akin ay meron na agad siyang ka-loveteam. Ako hanggang ngayon wala, mapa-TV man, pelikula o maski na sa tunay na buhay,” himutok ng komedyana na kasama sa cast ng Nobody, Nobody… But Juan na tinatampukan ni Dolphy, mula sa direksyon ni Eric Quizon na umuwi pa ng Maynila mula Hong Kong para idirek ang festival entry ng daddy niya.

* * *

Merry Christmas sa ating lahat! Sana maging makahulugan ang ating pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus.

Show comments