Maligayang Pasko sa dear readers ng PSN!
Ngayon ang opisyal na simula ng Metro Manila Film Festival at ang pagbubukas sa mga sinehan ng Filipino movies.
Out muna sa mga theater ang Hollywood films katulad ng Avatar na hanggang kahapon ay pinipilahan ng manonood.
Bukas magkakaalaman kung alin sa MMFF entries ang nanguna at nangulelat sa takilya.
Maraming pagpipilian ang moviegoers. Nandiyan ang Mano Po 6, Shake, Rattle & Roll Xl, Nobody Nobody But Juan, Ang Darling Kong Aswang at Ang Panday.
Ang Pasko ay para sa mga bata kaya ang mga pelikula na pambagets ang tiyak na unang hahataw sa box-office. Subok na subok ko na ‘yan ‘no!
* * *
Naimbyerna sa security men ni Manny Pacquiao ang mga reporter na nag-cover sa premiere night ng kanyang pelikula noong Miyerkules.
Ang sey ng mga reporter, over-acting ang security personnel ni Manny dahil pati sila eh itinutulak habang nag-iinterbyu.
Hindi mga ordinaryong reporter ang tinutukoy ko dahil mga TV reporter sila.
Sa irita ng isang TV reporter, tinarayan nito ang bodyguard ni Manny na nanggitgit sa kanya.
Bakit nga naman sila itutulak eh nag-iinterbyu sila at hindi naman nanggugulo?
Ganyan ang karaniwang problema sa mga bodyguard. Nabigyan lang ng konting power, feeling mighty na. Kadalasan, daig pa nilang umasta ang mga tao na kanilang pinoprotektahan.
* * *
Kasama ni Manny sa premiere night ang kanyang misis na si Jinkee.
Para sa akin, perfect bodyguard si Jinkee dahil hindi niya talaga hinihiwalayan ang kanyang dyowa.
Tumpak ang ginagawa ni Jinkee. Mahirap nga naman na masalisihan uli siya. Mabuti nang alerto si Jinkee or else...
* * *
Kilala ko ang talent manager na kinakausap ng starlet para i-manage ang kanyang career.
Naghahanap ng bagong manager ang starlet dahil hindi yata siya satisfied sa performance ng kanyang current manager.
Ang tanong, may future pa ba ang showbiz career ng starlet na super-mega-to-the-max ang kanegahan?
Sa sobrang nega ng starlet, mahihirapan ang kahit na sinong magaling na talent manager na i-repackage siya.
* * *
Nag-text brigade si Wilson Lee Flores ng S Magazine. Magre-reprint daw sila ng Dec.-January 2010 issue ng S dahil mabilis na naubos sa mga magazine stand ang mga kopya. Ang Gutierrez family ang nasa cover ng S Magazine at nasa inside page naman ang mga litrato ng kanilang bonggang bahay sa isang exclusive village sa Makati City.