Mother Ricky nakaka-inspire

MANILA, Philippines - Walang kapaguran ang veteran hairdresser-entrepreneur na si Ricky Reyes dahil sa kanyang pagtataguyod sa pinasukang larangan. Dahil sa sipag at tiyaga, nagkamit siya ng UVUB Inspiring Entrepreneur of the Year award. Ito ay isang tanyag na parangal mula sa Ernst & Young’s Entrepreneur of the Year-Philippines 2009. Kinilala ang kontribusyon ni Mother Ricky bilang presidente at CEO ng Ricky Reyes Hair Salon for Men and Women. Isa na ngayong matagumpay na negosyante si Mother Ricky at ang kanyang rags to riches na istorya ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga iba pang hairdressers na kapos. Kasama sa larawan ng awardee ang EVP ng Universal Motors Corp. na si Ms. Elizabeth Lee noong awards night na ginanap kamakailan sa Shangri-La Hotel in Makati.

Show comments