Kakaibang videoke challenge nasa supermarket

MANILA, Philippines - Ang Twins Diapers, sister product ng Sisters Feminine Napkins na mula sa Megasoft, Inc., ang nasa likod ng videoke singing contest sa iba’t ibang supermarkets sa Metro Manila.

Dahil lahat naman ng Pinoy ay mahilig kumanta, join na at manalo ng malalaking premyo. Sa bawat P50 na mabibili ng Twins Diapers, sing lang agad at maaari nang magwagi!

Tulad ng Sisters Feminine Napkins and Pantyliners na iniendorso ng maganda at talented na si Maja Salvador, ang Twin Diapers ay maaasahan din sa kanilang good quality pero murang halaga lang. Ipinagmamalaki ng produkto ang tagline na: “Heavenly comfort for baby, mega savings for mommy.”

Pero kahit mga ina ang madalas bumili ng mga diapers, hindi itsapwera ang mga ama dahil welcome na welcome rin ang mga lalaki para sa videoke challenge. Ang mga modernong tatay ay maaasahan na sa mga housechores at hindi nahihiyang bumirit kaya swak na swak sila sa Twins Diapers Videoke Challenge.

Maraming mapagpipilian sa Twins baby diapers dahil may small, medium, large, at extra large sizes sila. Mayroon ding singles, four pads for each pack, 12 pads, at 34 pads na mabibili. Magtanong na rin sa mga supermarket na malapit sa inyo tungkol sa videoke challenge. 

Show comments