ABS-CBN stars sinorpresa ang Calauan

Maagang pamasko ang inihandog ng ABS-CBN sa mga taga-Calauan, Laguna matapos nitong idaos kamakailan ang Bayanijuan sa Calauan.

Sa pangunguna nina ABS-CBN chairman at CEO Gabby Lopez, pre­sident at COO Charo Santos-Con­cio, Channel 2 head Cory Vidanes, at ABS-CBN Foundation, Inc. (AFI) managing director Gina Lopez ka­sa­­ma ang iba pang execu­tives, namigay ang buong puwersa ng Dos ng noche buena packs at pinakain ang mahigit 1,000 pamilya.

Karamihan sa mga pamilyang inilipat dito para manirahan ay mga resi­dente ng Estero de Paco at iba pang lugar sa gilid ng Ilog Pa­sig. Ito ay isang kinakailangang hakbang at mahalagang bahagi ng plano ng AFI na linisin ang naturang ilog sa loob ng pitong taon.

“Nais naming umabot na sa 6,000 pamilya sa susunod na taon at maaari itong magmula sa mga lugar ng San Juan at Mari­kina,” sabi ni Gina. “Talaga namang na­pakasaya ko dahil sa loob ng dala­wa o tatlong buwan lang ay na­bago na ang mga buhay nila.”

Bukod sa paghahain ng masa­rap at masustans­yang pagkain, namigay din ng mga cash prizes ang ABS-CBN para sa mga nagwa­gi sa song and dan­ce competition na isinagawa ng komunidad pati na rin sa mga resi­den­te na may pina­ka­malinis at pinakama­ayos na bahay.

Mas lalo namang sumaya ang mga taga-Calauan nang naghan­dog ng mga awitin sina Piolo Pas­cual, Erik Santos, at Rhap Sa­laz­ar.

Ang Bayanijuan sa Calauan ay ang huling bahagi ng Christmas campaign ng ABS-CBN.

Show comments