MANILA, Philippines - Emosyonal na nakikidalamhati si Sharon Cuneta sa mga labi ni Yaya Luring (Loreta Benitez) na nakalagak sa Sanctuario de San Antonio sa McKinley Road, Forbes Park, Makati City.
Yumao ang yaya ng Megastar noong Sabado ng gabi matapos ma-cardiac arrest sa edad na 83 sa mismong Christmas party ng kanyang amo sa Laguna na inaalagaan niya simula noong limang taong gulang pa lamang ang aktres kaya para na rin niya itong tunay na lola.
Apat na dekadang nakasama ni Sharon si Yaya Luring kaya kilala na rin ito sa showbiz. Nagkaroon pa sila ng TV commercial na magkasama bilang mag-amo rin.
Nakatakdang ilibing bukas, Dec. 23 sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City si Yaya Luring.