Composer ng Salamat Bro dapat bigyan ng bonus

Type ko ang ugali ng direktor na si Rico Gutierrez. Bukod-tanging siya ang direktor na per­sonal na nagpasalamat sa mga writers na nagsu­lat ng good reviews sa Diablo, isa sa tatlong episode ng Shake, Rattle & Roll XI.

Hindi siya katulad ng ibang direktor na dedma sa praise ng mga entertainment writers. Na feeling magaling sila kaya karapatan nila na purihin.

Bongga ang mga reviews sa Shake, Rattle & Roll XI kaya dapat lang na panoorin ito ng mga moviegoers.

* * *

Isa pa si Ruffa Gutierrez sa mabibilang na artista na marunong mag-thank you. Na-ap­pre­ciate niya ang mga bonggang reviews sa Ukay-Ukay episode na pinagbidahan nila ni Zoren Legaspi.

Kung nag-effort si Rico na hanapin at ipag­tanong ang contact number ng bawat reporter, nagpasalamat naman si Ruffa sa kanyang Twitter account.

Napakasimple ng salitang thank you. Halos araw-araw nating ginagamit ang thank you at salamat. Ordinaryo at simpleng salita na malalim ang ibig sabihin lalo na kung galing sa mga tao na kagaya nina Rico at Ruffa na marunong mag-appreciate at nararamdaman ang kanilang sincerity.

* * *

Kahapon ang press preview ng Ang Panday sa SM Megamall. Bukas ko ikukuwento sa inyo ang aking opinyon tungkol sa pelikula ni Bong Revilla, Jr.

Nagkaroon ng red carpet premiere sa SM North Cinema ang action-fantasy film. Hindi ako nakapunta dahil live ang tanggalan ng contestant sa StarStruck V sa GMA 7 studio at mula dito, dumiretso ako sa birthday celebration ng nanay ng aking friend na si Jenny Napoles.

Ginanap ang party sa Heritage Park kaya bumi­sita muna ako sa libingan ni Rudy Fernandez. Nag-wish ako sa kanya ng merry Christmas. Knowing Rudy, napa-smile siya sa aking Christmas greeting kahit nasa ibang mundo na siya.

* * *

Mga bata ang bisita ni Mama Jenny sa birthday party cum Christmas party niya para sa mga streetchildren at mga bagets na inabandona ng kanilang mga magulang.

Kinantahan si Jenny ng mga bagets ng Salamat Bro. Maganda pala talaga ang message ng Christmas song ng ABS-CBN, lalo na kung mga bata ang kumakanta.

Hindi ko alam kung sino ang composer ng Christmas song nila pero kung sino man siya, dapat mabigyan siya ng bonus ng mga bossing ng Kapamilya network. Magaling siya huh!

* * *

Advance happy birthday kina Lorna Tolentino at Manay Ichu Maceda. Ito ang pangalawang taon ng birthday ni LT na wala si Rudy.

Tiyak na dadalaw si LT sa libingan ni Rudy, sa araw ng kanyang birthday at sa mismong araw ng Pasko. Regular na dumadalaw si LT sa puntod ni Daboy sa Heritage Park.

Happiness, peace of mind, at mas maga­gandang projects ang birthday wish ko kay LT. Natutuwa si LT dahil magaganda ang feedback sa Dahil May Isang Ikaw!

Show comments