Heart magpapa-aral ng production assistant

Clad in a dark-colored one-piece backless dress, hindi nagtagal si Heart Evangelista sa joint Christmas treat ng Royal Era Entertainment at Mega Publishing held at a Chinese resto nitong Miyerkules. Understandably busy, kinailangang umalis agad ni Heart.

But there was more to Heart’s ‘pasa-love’ as her way of thanks. Nito ko lang kasi napagtanto kung gaanong mapuso ang alagang ito ni Anna­belle Rama, bagay na hindi alam ng marami.

Ang utility na nagngangalang Caesar Catad­man, kasama ni Heart sa kanyang progra­mang Fashionista sa QTV 11, ang magpa­patunay sa pagi­ging bukas-palad ng aktres. Hindi ko ito mis­mong nalaman kay Caesar, the same utility guy of QTV’s Tweetbiz who fixes the best coffee I’ve ever tasted, kundi sa mga katrabaho ni Heart.

Balak pala ni Heart na papag-aralin si Caesar kahit sa two-year course upang mapakinabangan ang sipag at galing nito in production work. Ewan ko kung tama ang dinig ko na merong bagong directive ang GMA 7 at QTV 11 na kailangang col­le­ge level ang sinu­mang gustong magtrabaho bilang PA o pro­duction assistant.

Whatever, saludo ako kay Heart. Sa iba ko pa kasi nalaman ang kanyang magandang intensyon sa kanyang kapwa.

* * *

Probably the busiest actor ng mga panahong ito ay walang iba kundi si Gabby Concepcion.

Consider his sked : ngarag ang aktor sa Dahil May Isang Ikaw na magtatapos na sa January, in between ay isinisingit niya ang kanyang taping for ABS-CBN’s Kung Tayo’y Magkakalayo, kasag­sa­gan din ng pagpo-promnote niya ng I Love You… Goodbye na official entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival, in the works na rin ang movie nila ng kanyang anak na si KC Concepcion… ang lagay, wala na bang oras si Gab­by para sa personal niyang buhay?

Sabi nga ni Tita Emma Guevarra : “That’s the price you have to pay.”

Show comments