Cristine pumirma sa Freego

MANILA, Philippines - Hindi maitatanggi na isa ang aktres na si Cristine Reyes sa may pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon. Hinirang pa nga siya ng FHM magazine bilang pinaka-seksing babae sa Pilipinas. Kaya naman hindi nagdalawang isip ang sikat at pamosong Freego brand ng kunin si Cristine bilang local celebrity endorser nito.

Ang kagandahan, kabataan at lakas ng sex appeal kasi ni Cristine ay eksakto sa hinahanap ng Freego para sa kanilang product endorser.

Maging sa pelikula ay in-demand din bilang leading lady ang batang aktres. Kamakailan ay kinuha siya ng actor-producer na si Richard Gutierrez bilang kapareha sa Patient X. Siya rin ang leading lady ni Vic Sotto sa filmfest entry na Ang Darling Kong Aswang.

Busy din ang Viva Artists Agency talent sa mga TV projects. Sa kasalukuyan ay mapapanood siya sa teleserye ng ABS-CBN na Cheating Hearts kasama si Jake Cuenca. Nasa music video din siya ng kantang Ayuz ng rock icon na si Rico Blanco at kabilang sa cast para sa remake ng Viva Films na Working Girls 2010

Show comments