Maganda sana ang role, Maja 'di cooperative sa shake.

Seen : Hindi boses ni Mark Anthony Fernan­dez ang ginamit sa Shake, Rattle & Roll Xl. Hindi rin siya active sa promo ng kanilang pelikula.

Scene : Maganda ang role ni Maja Salvador sa Shake, Rattle & Roll Xl ngunit hindi siya coo­perative. Wala si Maja sa presscon at premiere night ng filmfest movie ng Regal Films.

Seen : Maganda ang 2010 para kay Marian Rivera dahil nag-renew siya ng kontrata sa lahat ng kanyang mga endorsement.

Scene : Si Carol Batay ang pinalabas sa PBB house noong Sabado. Marami ang natuwa sa paglabas ni Carol dahil nakakabuwisit ang ugali niya sa loob ng bahay ni Kuya.

Seen : Cardiac arrest ang ikinamatay ni Yaya Luring, ang favorite yaya ni Sharon Cuneta. Pangalawang ina ang turing ni Sharon sa yaya na nagpalaki sa kanya. She was 84 years old.

Scene : Extended ang PBB Double-Up hang­gang February 2010. Magwawakas ang show sa February 14, 2010, Valentine’s Day.

Seen : Nais ni Eric Quizon na matuloy ang bio-flick ng kanyang ama, sa kabila ng pagtanggi ni Mang Dolphy at ng partner nito na si Zsa Zsa Padilla.

Show comments