Mga kandidatong Presidente pati pagluluto kinarir

Talagang kahit ano ay gagawin ng mga kandidato sa pagka-pangulo makuha lamang ang atensiyon ng mga kababayan nilang boboto sa 2010. Biruin mo, nagawa pa silang papaglutuin ni Jessica Soho sa kanyang programang Jessica Soho Reports sa GMA 7 nung Sabado ng gabi. At in fairness, hindi man sila talagang nagluluto, hindi naman ito nahalata.

Ano pa kaya ang susunod nilang gagawin?

* * *

Pumayag na nga ba si Dolphy na maisa-pelikula ang kanyang buhay? Bakit naman hindi eh, meron na namang lumabas na libro tungkol sa buhay niya na sinulat ni Bibeth Orteza at inilathala ni Eric Quizon?

Wala namang natatagong lihim si Dolphy na puwedeng mabulgar sa pelikula. Open book naman sa tao ang buhay niya. I don’t think na maiinsulto rin ang mga babaeng na-link sa kanya dahil ever since, available si Dolphy. Binata ito, walang sabit. Lahat ng tsikas na nagkaroon ng kaugnayan sa kanya ay hindi mga kabit.

Si ZsaZsaPadilla na lamang siguro ang dapat mag-reconsider dahil anuman ang lalabas sa filmbio ni Dolphy, may permiso niya at nauna na niyang nasabi na ayaw niya.

* * *

Ilang tulog na lang Pasko na! Sana hindi n’yo makalimutan kung bakit may Pasko, kung bakit isinilang ng tao si Hesus.

Maaring kailangan natin ng pera para maging ma­ganda ang Pasko natin pero, huwag nating kalili­mutan na sa Diyos lahat tayo ay pantay-pantay, may pera man o wala.

Sa mga mayroon, mag-share tayo. It’s more blessed to give. Sa mga wala, huwag tayong mawa­walan ng pag-asa. Marami ang marunong tumulong. Kailangan lamang natin makita sila. Don’t lose hope, ang pag-asang ito lamang ay pinanghahawakan natin sa buhay.

Show comments