MANILA, Philippines - GMA Network ang nananatiling top-of-mind free-to-air TV station sa Mega Manila habang ang mga programa at talent ng GMA news and public affairs ang nakakuha ng mas mataas na credibility ratings ayon sa quantitative survey na isinagawa ng AGB Nielsen Philippines nitong Setyembre.
Umabot daw sa 44.8% ng mga respondent sa Mega Manila ang nagsabing GMA ang top-of-mind free-to-air TV station. Nasa 87% ng mga respondent ang regular na nanonood ng GMA.
Isa rin ang GMA Network sa preferred stations ayon sa 74% ng respondents.
Sa nasabing AGB Nielsen survey, nakakuha ng mas mataas na credibility rating ang GMA. Nasa 68.9% ang rating nito.
Sinusuportahan nito ang resulta ng qualitative study na ginawa ng GMA sa Metro Manila na nagsasabing patas, balanse, at panig sa katotohanan ang pagbabalita sa GMA.
Ayon pa sa AGB Nielsen study, nanguna ang personalities ng GMA News and Public Affairs pagdating sa appeal, credibility, competence, at interest to watch.
Si Jessica Soho ang nanguna sa listahan ng mga anchor at reporter pagdating sa appeal. Si Mike Enriquez ang tinuturing na pinaka-credible, at si Mel Tiangco ang pinaka-competent at most interesting to watch. Sina Arnold Clavio at Vicky Morales ay kabilang din sa top five news anchors sa lahat ng measured attributes.
Ang iba pang News and Public Affairs personalities tulad nina Howie Severino, Pia Arcangel, Kara David at Rhea Santos ay kasama rin sa top 20 list.
Una rin ang GMA Network sa Corporate Social Responsibility ayon sa 83.5% ng respondent.
Nanguna rin ang GMA Network sa over-all appeal na kinumpirma ng 67.2% ng respondents.