Naisyete ng aking source na nakita niya sa Tagaytay ang isang young actress kasama ang non-showbiz na barkada. Nagdi-dinner ito at katabi lang ng mesa nila ang aking source.
Maya-maya ay may pumasok na apat na Koreano na umupo sa ’di kalayuan sa mesa ng aktres. Matapos kumain ay napansin ng banyagang businessman ang aktres. Naglabas ito ng paldu-paldong pera na kunwari’y binibilang pa habang nakatingin sa kanya ang young actress. Inginuso kasi ng mga barkada ang Koreano na madatung.
Nagpapapansin ang aktres at naakit sa makapal na bangkus ng pera na inilabas ng Koreano sa attaché case nito.
Pero kalaunan ay dinedma rin ng Koreano ang beauty ng aktres at lumabas na kasama ang mga kaibigang Koreano.
Nanghinayang ang aktres dahil hindi niya ito nabingwit.
* * *
Sasama sa parada si Sharon Cuneta dahil siya ang bida ng Mano Po 6 ng Regal Entertainment na filmfest entry niya. Hindi isyu sa Megastar kung magkita sila ng ex-hubby na si Gabby Concepcion at sabi nga nito ay baka magkawayan pa sila.
‘‘Matagal na naman kaming okay ni Gabby at gagawa pa nga sila ng pelikula ni KC,’’ sabi ni Sharon.
Sinabi pa rin nito na gusto niyang panoorin ang pelikula ng ex-husband pati ang ibang filmfest entries. Pero nagbiro ito na pinakamaganda pa rin ang kanilang Mano Po 6.
Maraming humuhula na si Sharon ang mananalong best actress dahil sa galing ng akting nito sa Fil-Chinese movie bilang si Melinda Uy, isang ina na walang ’di gagawin para makuha ang rebeldeng anak na si Heart Evangelista.
Sinabi ni Direk Joel Lamangan na ito ang may biggest budget na pelikula ni Mother Lily Monteverde sa Mano Po franchise dahil umarkila pa sila ng barko mula Quezon hanggang Visayas karga ang kopra kung saan milyones ang halaga bukod pa sa kinunan ang movie sa China.
* * *
Saludo si Sharon kay Heart dahil sa pagiging propesyonal nito.
‘‘Magaling siyang umarte at mabait pa. Kaya malayo talaga ang mararating niya at hindi kataka-taka na manalo siya ng FAMAS best actress,’’ sambit ng Megastar.
* * *
Pasasalamat:
Sa lahat ng dumalo at nakiisa sa aming induction sa Movie Writers’ Welfare Foundation, lalo kay Van Avenido, at sa malalapit na press people tulad nina Cris at Nards Belen, Eddie Littlefield, Rowena Agilada, Edcel Lorete, at Nap Alip.