^

PSN Showbiz

Young actress nasilaw sa pera ng Koreano

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Naisyete ng aking source na nakita niya sa Ta­gaytay ang isang young actress kasama ang non-showbiz na barkada. Nagdi-din­ner ito at katabi lang ng mesa nila ang aking source.

Maya-maya ay may pumasok na apat na Ko­rea­no na umupo sa ’di kalayuan sa mesa ng ak­tres. Matapos kumain ay napansin ng ban­yagang businessman ang aktres. Naglabas ito ng paldu-pal­dong pera na kunwari’y bini­bilang pa habang nakatingin sa kanya ang young actress. Inginu­so kasi ng mga barkada ang Koreano na madatung.

Nagpapapansin ang aktres at naakit sa ma­kapal na bangkus ng pera na inilabas ng Koreano sa attaché case nito.

Pero kalaunan ay dinedma rin ng Koreano ang beauty ng aktres at lumabas na kasama ang mga kaibigang Koreano.

Nanghinayang ang aktres dahil hindi niya ito nabingwit.

* * *

Sasama sa parada si Sharon Cuneta dahil siya ang bida ng Mano Po 6 ng Regal Entertain­ment na filmfest entry niya. Hindi isyu sa Megastar kung magkita sila ng ex-hubby na si Gabby Con­cep­cion at sabi nga nito ay baka magka­wayan pa sila.

‘‘Matagal na naman kaming okay ni Gabby at gagawa pa nga sila ng pelikula ni KC,’’ sabi ni Sharon.

Sinabi pa rin nito na gusto niyang panoorin ang pelikula ng ex-husband pati ang ibang filmfest en­tries. Pero nagbiro ito na pinakamaganda pa rin ang kanilang Mano Po 6.

Maraming humuhula na si Sharon ang manan­along best actress dahil sa galing ng akting nito sa Fil-Chinese movie bilang si Melinda Uy, isang ina na walang ’di gagawin para makuha ang rebeldeng anak na si Heart Evangelista.

Sinabi ni Direk Joel Lamangan na ito ang may biggest budget na pelikula ni Mother Lily Monteverde sa Mano Po franchise dahil umarkila pa sila ng barko mula Quezon hanggang Visayas karga ang kopra kung saan milyones ang halaga bukod pa sa kinunan ang movie sa China.

* * *

Saludo si Sharon kay Heart dahil sa pagiging propesyonal nito.

‘‘Magaling siyang umarte at mabait pa. Kaya malayo talaga ang mararating niya at hindi kataka-taka na manalo siya ng FAMAS best actress,’’ sambit ng Me­gastar.

* * *

Pasasalamat:

Sa lahat ng dumalo at nakiisa sa aming induction sa Movie Writers’ Welfare Foundation, lalo kay Van Avenido, at sa malalapit na press people tulad nina Cris at Nards Belen, Eddie Littlefield, Rowena Agilada, Edcel Lorete, at Nap Alip.

DIREK JOEL LAMANGAN

EDCEL LORETE

EDDIE LITTLEFIELD

GABBY CON

HEART EVANGELISTA

KOREANO

MANO PO

MELINDA UY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with