Very fruitful ang Biyernes ko pero huwag n’yo nang itanong kung bakit dahil hindi ko pinangarap na kainggitan ako.
In fairness, hindi ko na-feel ang over-acting na trapik noong Biyernes dahil maluwag sa mga kalsada na dinaanan ng sasakyan ko.
Nagpunta muna ako sa press lunch nina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco.
Tama ang nabasa ninyo, Congressman na ang tawag ko kay Navotas Mayor Toby dahil wala siyang kalaban sa 2010 elections. Ganoon din ang kanyang kapatid na si John Rey na first time na papasok sa public service pero walang kalaban.
Ayokong maakusahan ng electioneering ang magkapatid kaya hindi ko na iisa-isahin pa ang achievements ni Papa Toby sa Navotas. Enough na ‘yung wala silang kalaban ng kanyang kapatid dahil sa sobrang laki ng tiwala sa kanila ng mamamayan ng Navotas.
* * *
Malapit sa entertainment press si Papa Toby. Every year, kahit walang eleksiyon, nakikipag-Christmas lunch siya sa showbiz press. Mula nang maging vice-mayor at mayor siya ng Navotas, hindi nakakalimutan ni Papa Toby ang entertainment press.
Hindi pa sanay sa maraming tao si John Rey. I’m sure, naloka siya sa ingay at pang-ookray ko sa aming lunch together.
Artistahin ang itsura ni John Rey. Si Joseph Sytangco ang naalaala ko nang makaharap ko si John Rey dahil malaki ang kanilang pagkakahawig.
Puwedeng maging artista si John Rey pero pinili niya na maging athlete at ipagpatuloy ang magandang gawain sa Navotas ng kanyang Kuya Toby na love na love ng Estrada family dahil hindi niya iniwan si Papa Erap Estrada nang dumanas ito ng mga pagsubok noong 2001.
* * *
Hindi natapos sa lunch date sa Tiangco brothers ang araw ko dahil pagkatapos magpamasahe sa shop ni Bambbi Fuentes, pumunta ako sa opisina ni Papa Miguel Belmonte sa Port Area.
Ikinaloka ko ang mga regalo na nakita ko sa lobby ng Star Publications office. Muntik ko nang harbatin ang mga regalo pero inawat lang ako ni Mama Salve Asis.
Sangkatutak na regalo rin ang sumalubong sa akin sa opisina ni Papa Miguel. Kayo na ang maging President at CEO ng number one newspaper sa buong Pilipinas.
As usual, nag-reminisce kami ni Papa Miguel sa aming nakaraan. Hindi kami nagkaroon ng relasyon ‘no! Sinariwa namin ang panahon na maliliit pa sila ng kanyang mga kapatid at tambay sa Daily Star office.
Sino ang mag-aakala na darating ang araw na magiging boss ko dito sa PSN ang mga bagets na dating inaalagaan at nilalaro ko. Nilalaro raw o!
Richie-rich man sila, lumaking mababait at disiplinado ang mga anak nina Mama Betty at Mayor Sonny Belmonte.
* * *
Kakandidatong Vice-Mayor ng Quezon City si Joy Belmonte, ang only girl ng pamilya at bunsong anak nina Mama Betty at Papa Sonny.
Malaki ang tsansa ni Joy na mag-win kaya ngayon pa lang, iniintriga na siya ng kanyang mga kalaban.
Affected ba si Joy? Hindi! Type ba niya na patulan ang mga walang katotohanan na paninira ng kanyang mga kalaban sa pulitika? Malaking hindi ang sagot!
Wala sa bokabularyo ni Joy at ng kanyang pamilya na manira ng kapwa. Mas mahalaga sa kanya na ipakita ang mga magagawa niya sa patuloy na pagpapaunlad sa QC at pagtulong sa mga residente nito.
Pareho sila ng ugali ng aking favorite singer-actress na si Sarah Geronimo na sumikat dahil sa kanyang talent at pagiging mabuting anak. Pansinin ninyo ang malaking pagkakahawig nina Joy at Sarah. Ganyan ang itsura at aura ng mga winner!