MANILA, Philippines - Pinaghalong variety, talent, at game show ang mapapanood simula ngayong Sabado, Dec. 19. Ito ang Tropang Pochi – ang pinakabagong programa para sa mga bata ng Q Channel 11!
Ibibida sa programa ang multiple intelligence ng mga bata, at ang iba’t iba pang talento at kaalaman. Kaya akmang-akma dito ang slogan ng programa na Bata Ka Pa, Kaya Mo Na!
Hindi rin mawawala ang pakikipag-bonding ng mga bata sa isa’t isa.
Sina Ella Cruz, Julian Trono, Sabrina Man, Miggy Jimenez, Ayla Mendero, Andrea Reyes, at Jessu Trinidad ang bubuo sa Tropang Potchi. Sa ilalim ng award-winning TV director na si Louie Ignacio, inaanyayahan ng Tropang Potchi ang mga bata na samahan sila sa isang umagang puno ng saya at makabuluhang aral.
May dalawang main portions ang programa – ang show-and-tell talent portion at ang gsame portion.
Sa bawat episode, may apat na batang bibida at magpapamalas ng kanilang natatanging galing sa isa sa mga eight intelligences - word smart, number or reasoning smart, picture smart, body smart, music smart, people smart, self smart, at nature smart.
Isang giant game board ang susubok sa mental at physical abilities ng mga bata sa game portion. Dalawang Kapotchi teams na binubuo ng tatlong members ang maglalaban-laban sa tatlong game zones – “’K lang!” (easy round), “Steady!”, (average round), at “Grabe!”, (difficult round).
Apat na iba pang segments ang mapapanood sa show – ang “Video-OK!”, kung saan pwedeng magpadala ang mga bata ng mga videos na sila mismo ang kumuha; Aprub!”, na tungkol sa mga tao, pangyayari, at lugar na karapat-dapat bigyan ng Potchi “aprub” mark; “Dear Kapotchi”, kung saan puwedeng ipadala ng mga bata ang kanilang comments, suggestions, requests, at pati na school activitiy announcements; at ang Sabi ni Potchi, isang serye ng short stories na siguradong kapupulutan ng aral at pinagbibidahan ng mascot na si Potchi.