Siguro kung nagkaanak agad sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, baka nagkaroon pa ng part 3 ang Kasal Kasali Kasalo. Nagkaroon na kasi ng taga-subaybay ang pelikula na pinatunayan ng mas maraming nanood ng Sakal Sakali Saklolo.
Pero dahil natatagalan pa ang pagbubuntis ni Juday kung kaya matatagalan pa ang part 3.
* * *
Nung i-guest ko si Sharon Cuneta sa Walang Tulugan ay napansin ko na maluwag na sa kanya ang banggitin ang pangalan ni Gabby Concepcion. Nagagawa na niyang magbiro tungkol dito.
Sana pagkatapos itong gumawa ng movie with their daughter KC ay ikonsider naman nila pareho ang posibilidad na magsama silang tatlo sa isang movie. Marami ang nag-aabang nito.
* * *
I’m sure sa 2010, maraming bagong faces ang magsa-shine. Kung napapansin n’yo, maraming movies at TV shows ang gumagamit ng mga bagong artista. Bukod kasi sa naghahanap ng bagong mukha ang mga tao, mababa pa ang TF nila. At wala pa silang attitude problem. Kaya siguro dapat matakot yung maraming may pangalan na nag-iinarte. Sila rin, baka mapalitan agad sila!