Paskong Pista ng Ballet Manila libre sa Star City

MANILA, Philippines - Isang natatanging handog ng Ballet Manila sa mga bisita ng Star City ngayong kapaskuhan ang Paskong Pista, na palabas sa Star Theater mula Martes hanggang linggo. Pinagsamang ballet at contemporary dance na may halong katutubong sayaw at galaw, ang Paskong Pista ay isang makulay na paglalarawan ng buhay at kasiyahang Pinoy. 

Ang kahanga-hangang pagsasayaw ng Ballet Manila ay bahagi na ng iba’t ibang palabas na handog sa mga dumadayo sa pinakasikat na amusement park sa bansa. Sa kanilang matiyagang pagsisikap, naipakilala ng Ballet Manila ang kakaibang uri ng sayaw sa mga ordinaryong mamamayan na uhaw sa mataas na antas ng sining at kultura.  

Mula sa mga orihinal na likha nina Osias Barroso at Gerardo Francisco, ang Paskong Pista ay tampok din ang musika ni Diwa De Leon ng Makiling Ensemble.

Libre ang palabas para sa lahat ng bisita ng Star City. Para sa karagdagang tanong, tumawag sa telepono bilang 832.6121.

Show comments