MANILA, Philippines - Ang GMA Artist Center (GMAAC) talents na sina Chynna Ortaleza at Arci Muñoz ay sumama kamakailan sa grupo ng Sisters Feminine Napkins para parangalan ang mga outstanding students ng Bacoor, Cavite na eksakto rin sa pagdiriwang ng first anniversary ng Emilu’s Supermarket na siyang ginamit na venue.
Ang dalawang magandang artista ng GMAAC ay namigay ng mga awards at regalo sa mga magagaling na estudyante ng Cavite, particular na sa Bacoor, bilang parte ng kanilang “advocacy of healthy lifestyle for the youth ng Sisters Napkins.”
Sina Chynna at Arci ay nagpaunlak para pasayahin ang mga tao sa kanilang exciting na singing and dance numbers, pero patuloy ang paalala na huwag kalimutan ang pag-aaral para maging matagumpay sa buhay.
“We admire Sisters Feminine Napkins and Pantyliners not only due to their affordable prices and good quality, but also because of their socio-civic advocacy of helping empower young people in public schools and colleges nationwide,” pahayag ng StarStruck finalist na si Arci at ng GMA 7 mainstay na si Chynna.
Regular na nagkakaroon ng nationwide tour para magbigay ng parangal sa mga most outstanding public school students na angat sa mga academic grades, moral character, leadership track record, and extra-curricular activities ang Sisters Feminine Napkins and Pantyliners kasama ang mga hinahangaang babaeng artista.
Sina Chynna at Arci ay nagpapakita ng pagiging modelo dahil bukod sa panlabas na ganda ay may masayahing personalidad pa na hindi takot sa pagsasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho.