^

PSN Showbiz

Cristine biglang-bawi sa galit kay Heart

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang nagpu-float na tsika, sa 2010, papasok sa TV5 si Roselle Monteverde-Teo at mai-involve sa movie production ng network na balak itayo ni Manny Pangilinan. Hindi nag-deny at ‘di rin kinumpirma ni Roselle ang balita nang tanungin sa presscon ng Mano Po 6.

Pero may ibang balita ring kumakalat, hindi sa TV5 kundi sa Star Cinema raw papasok si Roselle at kung mangyayari ito,     hindi na puwedeng mag-tie-up ang Regal at GMA Films dahil ang Regal at Star Cinema na ang co-producers sa kanilang mga project.

Ang GMA Films at Viva Films naman daw ang magta-tie-up at isa sa mga unang project nila ay ang pelikula nina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos entitled Hating-Kapatid to be directed by Wenn Deramas.

Pero may conflict daw sa GMA Films-Viva Film tie-up dahil makikipag-tie-up din daw ang Viva Films sa TV5 at ang first three movies ng TV5 ay co-produced ng Viva Films. Heto pa, mai-involve din daw si Veronique del Rosario sa movie production ng TV5.

Magandang balita ito, pero may kaguluhan kaya wait na lang tayo ng mga susunod na mangyayari.    Pero kung totoo ito, ibig sabihin, sina Roselle at Veronique ang susunod kina Mother Lily at Vic del Rosario bilang big time movie producers.

* * *

Mainit sa simula at galit pa yata si Cristine Reyes, pero kumalma rin nang malamang hindi si Heart Evangelista ang nagbukas ng isyung tinext niya ito dati kundi tinanong lang ng press. Hindi kasi maintindihan ni Cristine kung bakit ibinabalik pa ang matagal ng isyu sa kanila ni Heart dahil ang alam niya, okey na sila nang magkita sa birthday party ni Annabelle Rama.

 “Inaamin kong tinext ko siya dati, pero kay Rufa Mae Quinto ko ipinadaan, ngayon, idine-deny kong nagti-text ako sa kanya dahil hindi totoo. Baka ina-assume lang niyang ako ‘yun, walang dahilan dahil wala akong alam sa life niya. Parang lumalabas ‘di pa ako naka-move on sa isang taong matagal ko nang kinalimutan. Tantanan na ako, puwede ba? Nakaka-irita na,” unang pahayag ni Cristine.

Nang malamang walang sinabi si Heart laban sa kanya at nagpasubali pang puwede silang maging magkaibigan ni Cristine, naalis ang pagka-irita ni Cristine.

 “At least klaro na wala kaming away at wala akong galit sa kanya. Hindi rin ako ang nag-text sa kanya. Bakit ba parang gusto ng tao na pag-awayin kami? Sana, ‘wag nang pag-awayin ng press ang mga artista, magpa-Pasko na,” pahayag ni Cristine na hindi na siya galit.

Samantala, inamin ni Cristine na kinabahan siya sa two kissing scenes nila ni Vic Sotto sa Ang Darling Kong Aswang         dahil bata pa lang siya, pinapanood na niya ito at hindi ini-expect na sa pag-aartista niya, makakapareha at makaka-kissing scene niya ito. Hindi lang niya pinahalata kay Vic, pero tense na tense siya sa blocking palang ni direk Tony Reyes.

Tuwang-tuwa rin si Cristine sa balak ni Vic na magkaroon ng sequel ang Ang Darling…, at sana, siya pa rin ang kuning leading lady.

* * *

Ibang-ibang Lovi Poe ang mapapanood sa Sagrada Familia at kahit ang ex nitong si Jolo Revilla, magugulat dahil daring na ang dalaga. May kissing scene, bed scene at may rape scene ito kay Emilio Garcia sa nabanggit na pelikula at mag­bubuntis pa. Aminado si Lovi na never niyang tatang­gapin ang project kung buhay pa ang amang si Fer­nando Poe Jr.

Anyway, showing ang Familia Sagrada sa December 23, 5:00 p.m., sa Robinson’s Galleria at susunod ang VIP and Celebrity screening at 7:00 p.m. 

vuukle comment

ANG DARLING

ANG DARLING KONG ASWANG

ANNABELLE RAMA

CRISTINE

CRISTINE REYES

PERO

STAR CINEMA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with