^

PSN Showbiz

Imbestigasyon sa cover-up ng pagpapakamatay ni Hayden tututukan ni Bong

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Na-feel ko ang pagkaimbyerna ni Bong Re­villa nang malaman nito na idinedenay ni Hay­den Kho, Jr. ang insidente na nangyari sa Silang, Cavite noong December 3.

May katuwiran si Bong na maimbyerna dahil pinag­mukhang sinungaling ni Hayden ang kan­yang mga kababayan.

Ang mga kababayan niya na tumulong kay Hayden para maihatid ito sa ospital. At para ma­la­man niya ang katotohanan, tinawagan ni Bong ang provincial director ng Cavite.

Sinabi sa akin ni Bong na pinatotohanan ng kan­­yang kausap na si Hayden nga ang nakita sa taniman ng pinya. Siya ang lalake na wala sa sarili, umiiyak, tumutulo ang laway at sipon at gustong magpa­kamatay.

Sabit ang mga pulis ng Silang sa pagde-deny ni Hayden dahil nag-deny din sila. Buong ning­ning nilang sinabi na walang ganoong insidente na nangyari. Wala raw naka-blotter.

Nag-usap na si Bong at ang provincial director ng Cavite. Pinaiimbestigahan na ni Bong kung may cover-up na nangyari. Bakit nag-deny ang mga pulis? Bakit na-take nila na magmuk­hang sinungaling ang mga sumaklolo kay Hayden.

* * *

Napanood ko ang pagde-deny ni Hayden sa Tweetbiz noong Martes. Talagang nag-dialogue siya na baka ibang Hayden ang na-sight sa pin­ya­han. May ganoon?

Ang akala yata ni Hayden eh makakalusot ang kanyang pagde-deny. Dinagdagan lang niya ang kanyang problema. Dahil sa pagsi­si­nungaling niya, nadamay pati ang mga nana­nahimik na pulis ng Cavite.

At ang the height, ang mga kababayan pa ni Bong ang kanyang pinaglaruan. Kawawang mga pulis. Tumulong na nga, sila pa ang malalagay sa alanganing sitwasyon. Matutulungan ba sila ni Hayden sa kanilang ginawang pagtatakip? I don’t think so!

* * *

Bukas na ang Christmas party ng PSN. Itsu­rang trapik, pupunta ako sa PSN office sa Maynila para personal na i-greet ng Merry Christmas si Papa Miguel Bel­monte.

Siyempre, ayokong ma-miss ang mga give-away ng PSN. Never pa akong nadismaya sa Christ­mas gift ng PSN sa kanilang mga em­pleyado at kolumnista. ‘Yan ang dahilan kaya happy and contented ako sa pagiging columnist ng inyong favorite newspaper!

* * *

Thank you sa Gutierrez family dahil hindi nila na­limutan na ipadala sa akin ang kanilang Christmas gift, kahit hindi ako nakarating sa pa-presscon ng S Magazine.

Ang Gutierrez family ang nasa cover ng December 2009 at January 2010 issue ng S Ma­gazine.

Masayang ibinalita ni Annabelle Rama na malakas ang benta ng S Magazine kaya nagpa-re­print na ng additional copies ang Mega Publications.

Walang umuwing luhaan sa presscon ng S Magazine para sa mga Gutierrez dahil nagpa-raffle si Bisaya ng datung at ng mga mamahaling bag at wallets.

Sure ako na original at hindi imitation ang mga bag na ipina-raffle ni Bisaya. Hindi siya katulad ng isang kilala ko na fake ang mga branded bags kuno na ipinang-regalo sa mga reporter at TV emplo­yees!

ANG GUTIERREZ

ANNABELLE RAMA

BAKIT

BISAYA

BONG

CAVITE

HAYDEN

S MAGAZINE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with