MANILA, Philippines - Wala pang paliwanag ang kampo ni John Lloyd Cruz sa issue na na-airport-to-airport ang aktor sa Narita, Japan.
Isang source ang nagsabi na umalis ang aktor last Saturday kasama ang kanyang road manager sakay ng Philippine Airlines flight 432, mga alas-4:00 ng hapon. Pero Linggo ng hapon ay nasa bansa na uli ang aktor matapos itong hindi papasukin sa bansang Japan dahil nadiskubre umano ng Japanese Immigration na walang working visa ang actor eh naka-schedule raw itong mag-perform.
Mga ilang oras din daw na-detain sa Narita Airport ang aktor, ayon sa isang source.
Mali raw ang sagot ni John Lloyd nang tanungin siya ng mga Immigration officers.
Walang gustong mag-confirm ng balita sa kampo ng aktor. Pero mismong Immigration official ang source ng balita na nag-leak sa airport the other day. (SVA)