^

PSN Showbiz

Kampo wala pang paliwanag, John Lloyd na-detain sa Japan?

-

MANILA, Philippines - Wala pang paliwanag ang kampo ni John Lloyd Cruz sa issue na na-airport-to-airport ang aktor sa Narita, Japan.

Isang source ang nagsabi na umalis ang aktor last Saturday kasama ang kanyang road manager sakay ng Philippine Airlines flight 432, mga alas-4:00 ng hapon. Pero Linggo ng hapon ay nasa bansa na uli ang aktor matapos itong hindi papasukin sa bansang Japan dahil nadiskubre umano ng Japanese Immigration na walang working visa ang actor eh naka-schedule raw itong mag-perform.

Mga ilang oras din daw na-detain sa Narita Airport ang aktor, ayon sa isang source.

Mali raw ang sagot ni John Lloyd nang tanungin siya ng mga Im­mi­gration officers.

Walang gustong mag-confirm ng balita sa kampo ng aktor. Pero mismong Immigration official ang source ng balita na nag-leak sa airport the other day. (SVA)

ISANG

JAPANESE IMMIGRATION

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

NARITA

NARITA AIRPORT

PERO

PERO LINGGO

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with