Derek pinapantasya ng mga aktres
Napakasuwerte naman nitong Kapamilya actor na si Derek Ramsay, halos lahat yata ng artistang babae sa network na kinabibilangan niya ay nagnanais na makapareha siya. Is it his looks or his acting prowess? Because let’s accept it, isang magaling na aktor ang hunk.
I’d like to believe na ang total package niya, ang kanyang kaguwapuhan at ang talento sa pag-arte differentiate him from the rest. Napakasuwerte nga ni Angelica Panganiban dahil feeling niya, ang haba-haba ng buhok niya dahil ang pinagnanasaan ng marami ay taken na niya.
Ang isa sa mga itinuturing na pinakamagandang babae sa showbiz na si Gretchen Barretto ay wish ding makasama ang aktor. Maski na ang non-actress na si Jinkee Pacquiao ay ito rin ang gustong makapareha sakaling mabigyan siya ng pagkakataon sa pelikula.
* * *
Muli na naman nating ginunita ang kamatayan ng lalaking muntik nang maging pangulo ng bansa. Si Fernando Poe, Jr. (FPJ) na sa kanyang kamatayan ay ginugunita hindi lamang ang napakalaking ambag na ibinigay niya sa industriya ng pelikula kundi maging ang maraming tulong niya sa mga tao in general.
Namuno sa paggunita sa Hari ng Aksyon ang kanyang maybahay na si Susan Roces, ang anak na si Mary Grace Llamanzares at ang iba pang miyembro ng kanyang pamilya.
Nakaka-miss si FPJ, napakalaki sana ng kaibahan kung sa balikat niya naatang ang napakalaking responsibilidad ng pamumuno ng bansa. His big heart would have made a difference.
* * *
Hindi naman itinatanggi ni Joshua Zamora na nagki-craving sa pagkain ang kanyang girlfriend na si Jopay Paguia pero hindi naman daw ibig sabihin ay nagdadalantao ito. Baka ang ganitong bagay ay dulot lamang ng maraming pagbabago sa katawan ng isang babae. Hindi niya alam pero, definitely, kung totoo na buntis ang girlfriend niya eh napakarami na sana nilang anak sa dalas na nababalitang buntis ang dancer-girlfriend niya.
Oo nga naman. Napakarami naman sa atin kasi ay may maruming pag-iisip. O huwag kayong tatanggi!
* * *
Tingnan mo nga naman, hindi man tuwiran ang pag-amin nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang relasyon, obvious naman ito sa kanilang ikinikilos.
Balak samahan ni Dingdong si Marian sa plano nitong pagbisita sa kanyang ama sa Spain. Sa mga hindi nakakabatid, Espanyol ang ama ni Marian at kahit hindi sila madalas magkita, hindi napuputol ang relasyon nila.
Matagal na ang balak na ito ni Marian na pagbisita sa kanyang ama pero dahil sa kanyang kaabalahan ay ngayon lamang niya ito magagawa. Hindi naging hadlang ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang para maging malayo ang loob ni Marian sa kanyang ama.
Kaya pala maganda ang petite actress, may dugo pala siyang Espanyola. Ngayon alam na natin kung saan nakuha ng aktres ang kanyang looks, although hindi niya makukuha ng buo ang kredito sa looks, maganda ang naging kombinasyon nila ng Filipina mom ni Marian.
- Latest