Pagkamatay ni FPJ ginunita

MANILA, Philippines - Ginunita kahapon sa Manila North Ce­metery ang ika-limang anibersaryo ng kamatayan ng tinaguriang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. o FPJ.

Nagtirik ng kandila, nag-alay ng mga bulaklak, at panalangin ang grupu-gru­pong tagasuporta ni FPJ na umabot sa mahigit isandaang katao. Dumalaw din si Manila Mayor Alfredo Lim, ZTE-NBN deal witness Noel “Jun” Lozada, Ma­kati Mayor Jejomar Binay, at anak ni FPJ na si Grace Poe.

Nabatid na gabi pa lamang ng Dis­yembre 13 ay nagtungo na ang biyudang aktres na si Susan Roces. (Ludy Bermudo)

Show comments