^

PSN Showbiz

Kiligin one more time!?

-

MANILA, Philippines - Muling kiligin at muling mahumaling dahil ang paborito mong Korean F4, balik primetime na!

Simula ngayong Lunes, mapapanood na uli gabi-gabi sina Jun Pyo, Ji Hoo, Yi Jeong, Woo Bin, at Jan Di sa inaabangang pagbabalik ng tinaguriang Koreanovela Phenomenon of 2009 na Boys Over Flowers sa ABS-CBN.

Mapatawag man o internet ay iisa ang sigaw ng mga Pinoy Asianovela fans at ito ay ang muling ma­si­layan ang hit Koreanovela na siyang nagpasikat sa Asian superstars na sina Lee Min-Ho, Kim Hyun-Joong, Kim Bum, Kim Joon, at Koo Hye-Sun.

Sariwain ang makulay na kwento ng ordi­nar­yong babae na si Jan Di (Hye Dun) at tunghayan kung paano niya hinarap ang hamon sa pres­tihiyosong Shin Hwa School.

Ang Boys Over Flowers ay nananatiling isa sa pinakamatagumpay at pinakamalaking Koreanovela na ipinalabas ng Dos. Talaga namang tumabo ito sa ratings at walang mintis itong kabilang sa Top 5 na pinakapinapanood na programa sa buong bansa base sa survey ng TNS noong ito ay unang inere noong Mayo.

Huwag palalampasin, Boys Over Flowers: One More Time, pagkatapos ng mas pinaagang Pinoy Big Brother Double Up sa ABS-CBN.

vuukle comment

ANG BOYS OVER FLOWERS

BOYS OVER FLOWERS

HYE DUN

JAN DI

JI HOO

JUN PYO

KIM BUM

KIM HYUN-JOONG

KIM JOON

KOO HYE-SUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with