Pinay luhaan na naman sa Miss World

Seen : Si Kaiane Aldorino ng Gibraltar ang nanalo ng 2009 Miss World crown. Luhaan si Marie Ann Umali, ang representative ng Pilipinas sa Miss World 2009.

Scene : Sintunado ang pagkanta ni Piolo Pascual sa ASAP ng classic song na I’ll Be Seeing You.

Seen : Laylay pa rin kahapon ang episode ng SOP Fully Charged. Guest nila si Efren Penaflorida, ang CNN Hero of the Year. Naunahan na ng ASAP ang SOP dahil nag-guest na si Efren sa ASAP, two weeks ago.

Scene : Ang Dahil May Isang Ikaw ang papalit sa dating timeslot ng Lovers In Paris na nagwakas noong Biyernes. Ang PBB Double Up ang mapapanood sa 9:20 pm timeslot ng Dahil May Isang Ikaw.

Seen : Nag-deny ang direktor na si Mac Alejandre. Idinenay niya ang balita na ipinabubura ang pangalan ni Rico Gutierrez sa mga poster ng Ang Panday.

Scene : Ikinatuwa ni Marian Rivera ang pagtatapos ng Stairway To Heaven.

Seen : Ang pagsisinungaling nina Paulo Avelino at LJ Reyes sa kanilang tunay na relasyon. Naghi­hilahan sila pababa.

Scene : Masakit sa mata ang wig na ginagamit ni Rochelle Pangilinan sa Darna.

Seen : Sina Miriam Quiambao at Drew Arellano sa Hong Kong. May taping sila para sa Balikbayan, isa sa pinakamatatag na show ng QTV Channel 11

Show comments