Marian itinangging ayaw kahalikan si Mark Anthony

May iringan daw ang dalawang directors na involve sa isang pelikulang entry sa Metro Manila Film Festival. Gusto ni Director A (DA) na takpan ng pentel pen ang name ni Director B (DB) sa credits sa poster ng movie dahil hindi naman ito tumulong sa pagdidirek ng pelikula.

Ang producer ang namomoroblema sa isyu ng dalawang directors at sana ‘di na lumaki ang con­flict nila at para ‘di makasira sa magandang flow ng publicity ng movie. 

* * *

Nilinaw ni Marian Rivera ang isyung dahil sa kanya kaya umalis sa Darna si Mark Anthony Fernandez. Hindi raw niya binabati ang actor at ayaw niyang makipag-kissing scene rito, pero puma­payag siyang magpahalik kay Dennis Trillo. As far as she is concerned, okay sila ng actor at binabati niya ito ‘pag nagkikita sila sa taping.

Never daw siyang tumangging makipag-kissing scene kay Mark at marami na silang ginawang halikan at wala silang kissing scene ni Dennis. Ayaw ma-offend ni Marian si Mark, kaya ayaw niya itong tanungin kung bakit aalis sa show at nirerespeto nito ang rason, pero para malaman ang totoo, tatanungin niya ito ‘pag nakita dahil nagti-taping pa ito.

Samantala, okay kay Marian kung totoong papasok sa Darna si Claudine Barretto at masa­ya siyang lumipat ito sa GMA 7 dahil sa posibilidad na magkasama sila sa project. Hindi man magka­kilala ng personal, nagkakausap sila sa phone.

 “Minsan nagdadala ng food si Raymart (Santiago) sa taping na niluto ni Claudine at sarap na sarap kami, kaya ipinakakausap siya ni Raymart sa akin,” tsika ni Marian.

Nauna na palang i-announce ni Marian na by April, balik-tambalan sila ni Ding­dong Dantes sa TV dahil gagawin nila ang Autumn In My Heart, una sa Endless Love series. Nabili na raw ng Channel 7 ang rights na gawan ito ng Pinoy adap­tation.

* * *

Magandang Christmas gift kay Pokwang ang makasama si Dolphy sa kanyang first Metro Ma­nila Film Festival movie na Nobody, No­body…But Juan. Sobrang flattered din siya na in-adjust ni direk Eric Quizon ang schedule ng taping para makasama siya sa pelikula, kung saan, ginagampanan ang role ng young and old Aruray.

“Aru” o “Pokie” ang tawag ni Dolphy kay Pokwang at lagi niyang tinatandaan ang payo ng Comedy King na maging natural lang siya at iwasan ang joke na kaberdehan dahil may mga batang nanonood. Kaya pala medyo napangiwi si Dolphy nang bumanat si Pokwang na pang-adult na joke sa presscon ng Nobody…, dahil ‘di siya sinunod ni Pokwang.

Natawa kami sa kuwento ni Pokwang na ni-request niya kay Eric Quizon na si Kristine Hermosa ang kunin para gumanap na young Aruray, sabi raw ni Eric, ‘wag na lang siyang sumama sa movie.

Bestfriend ni Pokwang si Claudine Barretto, pero tiyak na ‘di alam ng aktres na pinapantasya ni Pokwang ang mister niyang si Raymart Santiago. Type pala nito ang mga morenong actor gaya nina Piolo Pascual, Derek Ramsay, Cesar Montano, Albert Martinez, Richard Gomez, at si Raymart nga. 

Show comments