^

PSN Showbiz

Panday ni Bong halos isang taon bago natapos

- Veronica R. Samio -

Iilan pa lamang ang nakakapanood ng Ang Pan­day, kasama na rito ang producer at bida ng pelikula na si Bong Revilla na puring-puri at gandang-ganda sa pelikula hindi dahil produksiyon niya ito kundi dahil ang kulang sa isang taon na paggawa nila ng movie ay nasulit, pati na ang malaking budget na ginastos dito.     

“It’s the greatest tribute that one can give Fernando Poe, Jr., ang orihinal na Panday. Apat na ulit niya itong ginawa kaya hindi ko ito puwedeng paglaruan in terms of essence,” anang director na si Mac Ale­jandre.

“The magic of Panday is in its simplicity, a timeless piece sa pagkukuwento ng karanasan ni Flavio at ang komunidad na kung saan siya nabibilang. Hindi ko ginalaw ang mga characters at sequences, pero nagdagdag ako ng mga bagong tauhan. Ang tran­sition ni Panday mula kay FPJ hanggang kay Bong ay ma­ganda, naipasa niya ang cha­racter sa isang karapat-dapat na successor,” dagdag pa ni Direk.

Kaya walang takot at hindi ito nag-aalala sa ma­gi­ging resulta nito sa box-office. “But I’m hoping for the best. Matutuwa ang mga tao sa mapapanood nila. Mai-excite sila at tatanggapin ang mga bagong tau­han na makiki­lala nila,” mala­kas na panalangin niya.

Bukod sa mga bagong tau­han na makikilala sa pelikula ka­sa­­ma pa rin sina Iza Calzado, bilang Maria, ang mahal ni Flavio; Rhian Ramos bilang Emelita, ang babaeng nagmamahal kay Flavio at gagawin ang lahat para mai­paramdam dito ang pagma­mahal niya; Gladys Guevara, assistant ni Maria na alam ang sikreto ng bulalakaw; Geoff Ei­gen­mann, ang lalaking iibig kay Emelita; Bugoy si Robert Villar, ang sidekick ni Flavio; gagam­panan naman ni Phi­llip Salva­dor ang role ng demonyong si Lizardo na magta­tang­kang agawan ng kapang­yarihan si Flavio at ang mahal nitong si Maria; Jonee Gamboa si Lolo Isko, ang bulag na tagapag-alaga ni Flavio.

Kasama rin si George Estregan, Jr. bilang hari ng mga tikbalang, Paolo Avelino bilang Kokoy at Stef Prescott bilang Ditas, ang alipin ni Lizardo at love interest ni Kokoy.

Mga pipi’t bingi naman sina Pekto at Bellie bilang Kuroy at Momoy; Carlene Aguilar bilang Teresa, ang seksing manananggal; John Lapus bilang Berting, ang baklang manananggal; Carlos Morales bilang Diego, ang siga sa sa bayan; Luz Valdez bilang Tiya Delia, ang tiyahin ni Emelita.

* * *

Ayaw ni Phillip Salvador na sinasabing makokopo niya ang best supporting actor award sa darating na MMFF Awards Night para sa kanyang role na devil incarnate sa Ang Panday.

Napakahusay daw niyang ginampanan ang kan­yang role sa nasabing pelikula pero meron ba namang movie na ginawa si Ipe na hindi siya magaling? First time niyang tumanggap ng kontrabida role pero ang maganda kay Ipe, isa siyang pro­pesyonal, masama na ang kanyang role pero pina­sama pa niya. Ka­tuna­yan para bumagay ang role sa kanya at para mag­mukhang talagang masama siya, nagpakalbo pa ang aktor at nagpalagay ng kung anu-ano sa mukha. Ang resulta ay di malilimutang mukha at performance mula sa isang nagbabalik na actor.

* * *

Second movie pa lamang ng StarStruck Avenger na si Stef Prescott ang Ang Panday pero excited siya dahil isang malaking produksiyon ang kanyang nasamahan at malaki pa ang kanyang role bilang alipin ng character ni Phillip Salvador.

Isa rin siyang demonyita sa movie. “Dark ang character ko na mayroon palang kabutihang gagawin. Hindi ako totally na bad sa movie,” sabi ng 17 taong gulang na babae na pumunta pa ng Japan para tumulong sa isina­ga­wang audition dun para sa StarStruck 5.

 “Nung panahon namin, walang international auditions. Dito lang sa bansa nag­daos ng maraming auditions. Puro locals lang kami. Kung may mestiso at mes­tisa man, ito yung mga kabataan na dito na ipinanganak at lumaki pero isa sa mga magulang ay banyaga. Tulad ko na British ang ama pero, isang pro­binsyana.”

ANG PANDAY

BILANG

EMELITA

FLAVIO

PANDAY

PHILLIP SALVADOR

SHY

STEF PRESCOTT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with