Pacman ginagawang promo ang sa 'Kanila' ni Krista

Mahihirapan ang mga walang budget na pumili lamang ng isa hanggang dalawang pelikula na panonoorin sa darating na Metro Manila Film Fes­tival. Parang lahat magaganda. Kung maghihiwa-hiwalay pa sila dahil ang iba ay namimili ng edad ng manonood, mas magastos sa baon.

For sure, star studded din ang magiging parada. Mahihirapan din ang mga tao kung anong karosa ang aabangan nila, ang susundan nila. Kaya mara­mi ang magkakasya na lamang na pumu­westo sa isang lugar at abangan ang pagdaan nito.

Magiging mahirap din ang pagpili ng mga mananalo sa awards night. I’m sure lahat ay magi-exert ng effort para mapaganda ang acting nila. Kaya labu-labo ang magiging labanan, matira ang matibay.

Pabor ito sa industriya. Baka sa taong ito mag­ka­karoon ng pinaka-malaking kita sa festival.

Suwerte ng mga tumatanggap ng benepisyo. Lalo na ang Mowelfund na kailangang-kailangan talaga ng tulong.

* * *

Talagang kayod marino si Rufa Mae Quinto bilang paghahanda sa kanyang nalalapit na kasal sa 2010. Isang beach wedding ang plano niya pero dito gagawin sa ‘Pinas, baka sa Cebu.

Balak ni Ruffa na kapag misis na siya ay mag-lie low kundi man permanente nang tumigil sa kanyang pag-aartista. Ito naman ay depende sa kanyang magiging mister. Gustuhin man niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aartista ay imposible na dahil sa US na sila maninirahan.

* * *

Hay naku, talagang hindi matapus-tapos ang isyu nina Manny at Jinkee Pacquiao. Si Manny naman na siyang makapagbibigay ng linaw tungkol dito ay itinatanggi nga ang isyu pero, hindi siya convincing. Simple lamang naman na sabihin niya kung may relasyon sila ni Krista Ranillo o wala. Pero parang he’s playing it safe dahil ‘di pa naipapalabas ang kanilang movie. Ginagamit ba niya ang isyu to promote his film?

* * *

Gustuhin man o hindi ni Mark Anthony Fer­nan­­dez, talagang marami ang nag-isip ng hindi maganda sa pagkakawala niya sa Darna at pag­kakapalit sa kanya ni Dennis Trillo bilang bidang lalaki sa serye.

Napaka-lame ng excuse na may sakit siya. May advance taping naman siya, puwede siyang mag­pagaling habang ipinalalabas ito. Pero talagang hindi mapaniwalaan ng marami na bigla na lamang siya papatayin sa serye.

Tulad din ng pagkawala ni Sunshine Dizon. Ang ganda rin ng takbo ng career nito nang biglang “magkasakit.”

Puwede nilang mabalikang dalawa ang mga career nila, pero mahihirapan sila. Sana nga toto­ong may mga sakit lang sila. Gumagaling ang sakit pero mahirap ibalik ang tiwala. Malalaman at malalaman din naman ng tao ang totoo.

Show comments